Chapter 20: You're Busted

230 17 0
                                    

Rose's point of view

"Mag-aral ka! Hindi yung puro ka TV dyan! Kailangan i-maintain mo ang rank mo sa klase ninyo! Naiintindihan mo ba ako?!"

Hindi na lang ako sumagot at tahimik na pinatay ang TV namin. I went inside my room to advance read our lessons.

I am always the top in our class... Or shall I say, trying to maintain to be the top in our class. Kapag hindi ay sasaktan na naman ulit ako ng Mama ko.

Gusto niya lagi akong nasa taas. Ang top 1. First honor. Valedictorian. Gusto niya lagi ay ako yun. Dahil ang anak ng Papa ko sa labas ay consistent honor student din.

Nung Grade 5 na hindi ako ang first honor ay galit na galit siya sa akin. Bilang parusa ay hindi ako kakain ng isang araw para magtanda daw ako.

Pareho din nung Grade 10... the worst. Hindi ako kasama sa honor list. Namatay kasi ang Papa ko nun and I was devastated. Nung malaman ng Mama ko na hindi ako ang top 1 and to make it worst, na hindi ako kasama sa honor list ay halos palayasin niya ako sa bahay namin.

Wala akong choice at hindi umuwi nung gabing yun. Nakitulog na lang ako sa kapitbahay namin.

"Sumusobra na yang Mama mo, Rose. Kailangan ba talagang ganun katindi ang galit niya dahil lang sa hindi ka kasama sa top students? Namatayan ka din naman. Normal lang yun," sabi ni Auntie Helena at binigyan ako ng mainit na chokolate.

"Ganun talaga si Mama, Auntie. Naiintindihan ko naman po," ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa.

She sighed and pushed the plate towards me. "Kain ka na pagkatapos ay matulog ka na rin. Alam kong masakit na ang mga mata mo. Sobrang mugto na oh."

"Salamat po talaga dito, Auntie..."

"Walang problema sakin, Rose... Sige na at matutulog na ako ha?"

Tumango ako at ngumiti. Ginantihan niya rin ako ng ngiti pagkatapos ay umakyat na para matulog.

Unti-unting napawi ang mga ngiti ko at tumingin sa bintana para matanaw ang bahay namin. Patay na ang mga ilaw. Tulog na ata si Mama.

Nasanay na rin ako sa pakikitungo niya sakin. Alam ko naman na gusto niya lang na maganda ang kinabukasan ko. At sinubukan kong hindi siya ibigo.

I always work hard to maintain my grades and to my position. I'm always the top 1. Lagi akong nagre-review kapag may quizzes and exams. I always participate in performance task. Kumpleto ako sa pagsusubmit sa mga requirements ko. Kahit ang pag-advance reading ay ginawa ko na rin para sa recitation.

I'm expecting for high grades kaya kampante ako.

Pero may mga tao talagang gagawin ang lahat para abutin ang isang bagay kahit pa sa maling paraan.

We were having our 50 items examination nang marinig kong nagsasalita ang mga kaklase ko sa likod.

"Pahinging answer, Rose."

Hindi ko sila pinansin at tinakpan ang papel ko. I worked hard to study last night. Napuyat ako para dito tapos pakokopyahin ko lang sila?

"Tss. Hindi nagbibigay ng answer yan."

Hindi na sila nagsalita ulit.

Una akong nagpasa ng test paper. Pagkaupo ko ay nakita ko silang may kodigo sa phone! They probably got it from the other section!

Nagtitimpi ako habang nakatingin ng masama sa kanila. Hindi naman nila ako nararamdaman dahil busy sila sa pangongopya.

I worked hard to study pero sila ay ang daling makakuha ng sagot?!

Murder MysteryWhere stories live. Discover now