Chapter 9: Warning

244 16 0
                                    

Chloe's point of view

Tulala ako habang nagkaklase. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyayari. At kung bakit ginagawa ni Keisha ang lahat ng to.

Sigurado na din kasi talaga ako na siya talaga ang killer. Sa clue pa lang na binigay niya sakin, sinadya niya talaga na malaman ko.

Wala si Stella dahil walang mag-aalaga sa Lola niya sa bahay kaya kailangan niyang umabsent. Si Suzy ay hindi namin kaklase dahil nasa ibang section siya.

Si Bryan ay suspended dahil siya ang nag report sa mga pulis sa pagkamatay ni Diane Bernardo. Dahil sa ginawa niya ay nalaman ng Principal namin na pumunta siya ng school ng 11PM ng gabi at nakialam sa imbestigasyon kaya nagalit ang Principal.

Inako niya rin ang nangyari at hindi niya rin kami dinamay.

Napahinto lang ako sa pag-iisip tungkol sa mga nangyayari nang nagpaalam na ang Sub Teacher namin. Tumayo kami para mag-ingay pero balak kong pumunta sa 12 Alvarez.

"Narinig niyo ba? Ngayon si Diane naman ang namatay!" dinig kong sabi ng kaklase kong si Mika.

"At alam niyo ba? Dinig ko sabi ni Patricia na isa lang daw sa mga kaklase niya ang gumawa non."

Nag-react naman sila na takot na takot.

Tss. Napairap ako sa inasal nila. Mga chismosa!

"Hindi ako naniniwala na isa sa kanila ang gumawa non. Pakiramdam ko, si Keisha talaga yun..."

"Huh? Patay na siya diba?"

"Oo pero nagmumulto daw. Naghihiganti daw sa kanila."

"Nakakatakot naman!"

Walang imik akong umalis para dumalaw sa kabilang room. Tatlong room kasi ang meron dito sa floor namin, ang isa ay extra room dahil walang ceiling fan at yung isa ay room ng 12 Alvarez. Pero ngayon, pinalipat muna sila sa extra room dahil under investigation ang room nila sa pagkamatay ni Kiana.

As usual, nasa likod silang lahat at seryosong nag-uusap. Tiningnan ko si Janella, mukhang maayos na ang pakiramdam niya.

Napahinto ako ng marealize na wala nang upuan sa tabi nila. May naramdaman akong konting sakit. Paano kung ako yung namatay madali lang din ba nila akong malimutan?

Umiling ako at kumuha ng extra chair para ilagay sa tabi ni Janella. Napatingin sila sakin. Kumuha ulit ako ng isa at nilagay sa tabi ni Harris.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Kean.

"Upuan para kay Keisha..," mahinang sabi ko.

Natahimik sila at umiwas ng tingin. Naramdaman ko na parang na-guilty sila.

"Asan si Stella?" Harris asked.

"Absent. Binabantayan niya yung Lola niya."

Natahimik ulit kami. Wala akong maisip na mapag-usapan kaya...

"Harris. Sigurado na ba talaga na si Keisha nga ang may gawa ng lahat nang ito?" mahinang tanong ko dahil baka marinig pa ng mga kaklase nila.

Suminghap siya. Nakikinig naman ang mga kasama namin. "Wala pa tayong ebidensiya. Pupunta ako mamaya sa lamay niya para mag-imbestiga."

"Sasama ako," sabi ni Janella.

"Ako din," sabi ko.

Tulad namin ay sasama din ang iba.

"Dalhin natin si Suzy," sabi ko.

"Sige."

Napagdesisyon namin na pumunta kay Keisha pag dismissal time na namin. Wala naman kaming problema sa sasakyan dahil nagda-drive na si Dwaine ng kotse.

Murder MysteryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora