Chapter 5: Second Victim

261 16 3
                                    

Drey's point of view

Kinabukasan ay nasabihan na kaming papasok na si Mrs. Alvarez. Kaya naman nagmamadali akong tumakbo papunta sa room namin. Napatigil ako ng makitang lahat ng mga kaklase ko ay nasa labas.

Kunot noo akong lumapit sa kanila habang hinihingal. "Anong meron?"

"Locked ang room, Tol. Hinihintay pa namin si Mrs. Alvarez para buksan to."

"Huh? Saan yung janitor baka may susi siya?"

He shrugged. "Ewan din."

Ano ba yan! Nakakapagod kaya maghintay! Pinunasan ko ang mga pawis ko dahil sa init at sa kakatakbo.

"Hoy! Pasalamat ka wala pa si Ma'am! Late ka!" pang-aasar ni Janella.

Inakbayan ko siya. "Sus. Huwag ka na magtampo, babe. Sabik ka naman sakin masyado."

"Ew! May pawis ka! Yuck!" maarteng sabi niya at tinanggal ang braso ko.

"Maka-yuck ka," inirapan ko siya.

Ang mga babae talaga sobrang arte!

"Oh, what are you all doing here outside?"

Napatingin kami kay Mrs. Alvarez na kakarating lang.

"Hi Ma'am! Pasalubong ko po?" lumapit ako sa kanya para bumati.

"Sige, sige. Sermon ang pasalubong ko sayo. Alam ko ang mga ginawa mong kalokohan nung wala ako."

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Grabe naman to si Ma'am! Ang harsh! Kakauwi niya lang eh.

"Dahil nag-iingay ka na naman, tawagin mo yung janitor sa baba para buksan to."

"Ano ba yan, Ma'am! Kakabalik mo lang tapos utos agad!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Nagrereklamo ka?"

"Hindi Ma'am. Na-appreciate ko lang mga inuutos niyo sakin. Namiss ko po. Hehe."

"Oh, Mrs. Alvarez. Nakabalik na po pala kayo!"

Napalingon kami sa janitor na nakalapit samin.

"Mang Jun! Kumusta po kayo?" natutuwang bati sa kanya ng adviser namin.

"Galing. Chika muna bago lesson," bulong ko pero narinig ata ni Ma'am dahil tiningnan ako ng masama.

"Ayos lang naman po Ma'am! Medyo madali nang mapagod ngayon dahil sa katandaan."

"Ganun po ba? Naku, Mang Jun! Pwede po bang pabukas mo n gaming room? Naka-locked daw po kasi."

"Ay, aba, opo! Nasaan ba yung si Nestor? Hindi niya pa pala nabubuksan to? Pero bakit sa kabilang room bukas na?" lumapit si Mang Jun sa pintuan para buksan ito at inilabas ang mga susi.

Nagpila ang mga kaklase ko para magpaunahang pumasok. Sumingit ako agad sa harap. Naramdaman ko ang pagtulak ni Janella sakin.

"Aray!"

"Singit! Alis! Mga magagandang lahi lang ang pwede sa pila na to!"

"Oh? Nasa maling pila ka, Miss!"

Aray, gago. Binatukan ako! Pikon!

Nabuksan ang pinto ay napatigil kami dahil sa amoy. Puta! Ang sangsang! Ang baho!

Pagpasok namin ay—

"AHHH!!!"

Nakabitay ang katawan ni Kiana sa ceiling. Napatingin ako sa board.

SHE HAD A MOUTH

Tangina.


Murder MysteryWhere stories live. Discover now