Chapter 11: 14 Victims

215 16 1
                                    

Drey's point of view

"Anong problema?" tanong ni Bryan.

"Nakatingin satin ngayon ang killer," mahinang sabi ko.

"Ano?!" kinakabahang sabi niya.

"Kailangan na nating umalis dito," sabi ko at dali-dali kaming umalis para sumunod na sa Social Hall.

Nang makarating kami sa Socia Hall ay nakita ko sina Harris kaya agad kaming umupo sa tabi nila.

"Saan kayo galing?" bulong niya.

"I'm very sorry for such news. Every student here in our university is like our own children that's why it is very heartbreaking to lose them in a tragic way..."

"Wala, may binili lang..," siniko ko si Bryan para senyasan.

"We bought something to eat."

Hinayaan ko silang mag-usap dahil binabantayan ko ang entrance door. Mabilis kaming nakarating dito at kung talagang nakita kami ng killer ay dapat naunahan namin siya dito. Kung sino ang papasok ay pwedeng siya ang killer samin.

"I hope that their souls will be in peace..."

Tumingin ulit ako sa harap. May tatlong malaking picture frame, picture nina Keisha, Kiana at Diane.

I smiled sadly looking at my friend in the picture. She looks peaceful and elegant. I'm sorry if I ever doubt you, Keish. Let me give you the justice you deserve.

Sa peripheral vision ko ay nakita kong may pumasok kaya agad kong nilingon yun. It's Rose. Fuck! Hindi kaya...

Pero agad ding napatigil ng makitang kasama niya si Mrs. Alvarez. Nag-uusap sila at may hawak na papel si Rose. Nagtama ang tingin namin at agad akong umiwas ng tingin.

Nakinig na lang ako sa program. Lahat kami ay may hawak na kandila para magdasal. Inalukan din kami ng snacks.

Nandito kami sa dulo kaya kami ang pinakahuli na bibigyan ng snacks. Sina Rose, Janella, Jean at Abraham ang inutusan para idistribute ang mga pagkain.

Napatingin ulit ako kay Rose. Seryoso siya habang binibigay samin ang mga pagkain. Nang makarating sa gilid ko dahil ako ang nasa dulo ay tiningnan niya ako ng mabuti.

"Bakit?"

I fake a cough and I looked away. "W-Wala."

Nakita kong sumimangot siya at binigay sakin ang pagkain tapos ay umalis.

"What the fuck was that?"

Napalingon ako sa banda ni Bryan. Nakataas ang kilay nilang dalawa ni Harris habang tinitingnan ako.

"Ano?" maangas na tanong ko at uminom ng tubig.

"What? Are you fantasizing our President?"

Agad akong nasamid sa sinabi niya. "What the hell!"

"She's off-limits. Wala kang mapapala dahil priority niya ang pag-aaral niya."

"Tanga! Hindi ganun yun!"

Napatingin ulit ako sa entrance nang pumasok si Shine. Mukhang busy siya sa phone niya. Ngayon ko lang din siya napansin at parang kakarating niya lang. Binigyan siya ni Abraham ng pagkain na tinanggap niya.

Naramdaman niya ata na may tumitingin sa kanya para mapatingin siya sakin.

"What now? Si Shine na naman? Man, you're gross. Stop fantasizing women!" bulong ni Bryan.

Nananatili lamang siyang nakatitig sakin. Saan siya galing? Don't tell me...

Kasabay ng pagngiti niya sakin ay ang pagpatay naman ng mga ilaw.

Agad naman nag react ang mga kaklase ko.

"Brownout ba?" dinig kong tanong ng Principal namin.

"Ang dilim. Paki-on ang generator," utos ng University President.

"Pero Ma'am, bukas po ang mga aircon..."

"What?"

Sobrang dilim at wala kaming makita pero sobrang lamig naman. Masama ang kutob ko dito.

Bigla kami natahimik nang may narinig kami sa speaker.

"How dare you give Keishandra all the credit for what I've done!"

Nanigas ang katawan ko sa narinig ko. Fuck! It's the killer! At gumamit pa talaga siya ng voice changer shit!

"Fuck," dinig kong sabi ni Bryan.

Narinig naming tumawa ang killer. "That's okay... all of you will pay with your lives anyway... I'm sorry if it's not bloody this time..." malamig niyang sabi at tumawa.

May narinig kaming kakaiba... parang may bumagsak sa sahig.

Biglang bumukas ang mga ilaw at...

"OH MY GOD!!!"

"WHAT HAPPENED?!"

"CALL AN AMBULANCE, NOW!"

Gulat na gulat kami nang makita ang mga 6... 7... 8... 14 na kaklase namin ang nasa sahig at walang malay!

"We have to find the cop immediately and end this fucking game," seryosong sabi ni Bryan.

He's right. Dahil kapag hindi pa namin nahuli ang may gawa nito, mauunahan niya kami.


Janella's point of view

Naririnig ko ang mga iyakan ng mga iba kong kaklase dahil sa pagkamatay ng 14 na kaklase namin.

They were poisoned by the killer. The killer of 12 Alvarez, hindi si Keisha, hindi ibang tao pero kaklase din namin. What a sad truth.

Buti na lang pala ay hindi ko kinain ang pagkain na binigay samin. Nasa pagkain kasi ang lason at wala sa tubig. Ngayon ay iniimbestiga nila kung sino ang naglagay ng lason. Alam kong isa ako sa mga taong paghihinalaan dahil isa ako sa nag distribute ng mga pagkain.

Recorder din ang ginamit nung marinig naming nagsalita ang killer sa Social Hall. Gumamit pa nga ito ng voice changer. Talagang maingat siyang mag-isip at tila sanay sa mga ganitong bagay.

Aminado kaming matalino ang killer dahil wala siyang naiiwang ebidensya sa mga crime scene. Kahit fingerprint niya ay wala.

"Umuwi na muna kayo, alam kong pagod kayo sa mga nangyari..."

Napatingin kami kay Mrs. Alvarez. She looks depressed and tired.

Nandito kaming lahat sa ospital, ang sabi ng Doctor ay maagapan pa sana ang lason kung dinala sila agad sa ospital but... dead on arrival.

Murder MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon