Chapter 3: The Game Begins

312 18 2
                                    

Chloe's point of view

Tulala kaming lahat sa nalaman namin. Nandito kami ngayon sa ospital dahil nahimatay ang Lolo ni Keisha sa masamang balita. Lahat kami ay naka-upo, tahimik at malalim ang iniisip.

Unang-una, bakit nasa library si Keisha? Pangalawa, murder case na ang nangyari ibig sabihin ay may pumatay sa kanya. At pangatlo, sino ang may gawa nun?

Inasikaso na ng sekretarya ni Mr. Montesino ang labi ni Keisha. Ngayon lang din namin nalaman na wala na palang mga magulang si Keisha at tanging ang Lolo niya lang ang nagpalaki sa kanya.

She had a rough life yet she didn't tell us about it.

Biglang tumayo si Harris kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Dumating na pala ang sekretarya ni Mr. Montesino na si Miss Penelope. Parang kaedad lang namin siya sa itsura niya.

"A-Ano pong balita?" tanong ni Harris.

Walo kaming narito sa loob ng ospital. Ako, si Janella, Stella, Arthur, Harris, Kean, Drey at Dwaine. Wala si Suzy dahil kasama siya ni Mrs. Alvarez sa seminar.

"Maaari na kayong bumisita sa labi ni Ms. Keisha. But I suggest that all of you should go home and take a rest. Alam kong masyado kayong nagulat at napagod dahil sa nangyari," seryosong sabi ni Miss Penelope.

Sampu kaming magkakaibigan. Ngunit ngayon, kulang na kami ng isa. Namatayan kami...

"Trojan, ihatid mo na sila pauwi," utos ni Miss Penelope sa kasama niyang halos kaedad rin ata namin.

Nagbow saglit si Trojan kay Miss Penelope pagkatapos ay nilingon kami at sinenyasan na sundan siya. Walang imik kaming sumunod sa kanya.

"Nasabi niyo na ba kay Suzy?" tanong ko sa mahinang boses.

"Hindi pa..," sagot ni Stella.

Nang makalabas kami ay may van ng naghihintay samin. Tahimik lamang si Trojan at pinagbuksan kami ng pinto. Tahimik din kaming pumasok isa-isa.

Keisha Montesino. She's a wonderful friend. Tahimik lang siya at seryoso palagi pero mabait siyang tao.

Mabait siyang tao... pero bakit siya kinuha samin?

I know that she had a rough life but she's kind... the world needs her. Ganyang klaseng tao ang kailangan ng mundo. Pero bakit siya kinuha?

Pinunasan ko ang mga luha ko. I just can't take it...

"Sshh, stop crying..," mahinang sabi ni Harris at inabutan niya ako ng panyo niya.

Tumango lamang ako.

Narinig ko na rin ang pag iyak ng mga girls maliban sa mga boys. Nang tingnan ko sila ay umiiwas lamang sila ng tingin. Siguro gusto nilang maging matatag sila para samin.

Masakit mawalan ng kaibigan... lalo na kung yung kaibigan mo namatay ng walang kalaban-laban...

Hindi nagsalita si Trojan at tahimik lamang kaming hinatid sa aming mga tirahan.


Janella's point of view

Kinabukasan, nag declare ang University President na tuloy na ang klase. Tahimik lamang kaming lahat sa loob ng room. Wala pa rin si Mrs. Alvarez. Hindi pa din kami nakakabisita kay Keisha, siguro mamayang dismissal pa kami dadaan sa kanya.

"Hindi ba natin ipagpapatuloy ang paglalaro?"

Lahat kami ay napatingin kay Kiana.

"Hanggang ngayon hindi pa din natin nasisimulan ang laro natin!" nakasimangot niyang sabi.

Murder MysteryWhere stories live. Discover now