Chapter 4: 12 Alvarez

266 16 1
                                    

Janella's point of view

THE GAME BEGINS, 12 ALVAREZ...

"Dugo po ang ginamit sa pagsulat nyan sa pader. Ngunit hindi po yan dugo ng apo ninyo, dugo po yan ng hayop."

Naramdaman ko rin ang pagkatigil ng mga kasama ko sa nakita namin. Anong ibig sabihin nito?

Napatingin ako kay Bryan na namumutla dahil sa nakita. Napatingin siya sakin pero umiwas siya agad ng tingin. Now that I think about it... that game... may kinalaman ba ito dito?

"12 ALVAREZ? Pangalan to ng section nang apo ko," napalingon sa amin ang Lolo ni Keisha. "Hindi ba?"

"O-Opo..," kinakabahang sagot ko.

"Malaki po ang posibilidad na ang taong pumatay sa apo ninyo ay nasa loob lamang ng WMSU, lalong-lalo na sa Department ng Senior High. Guro man o estudyante..."

No. It can't be, right? Laro lang yon. Wala naman sigurong kinalaman yun dito.

"We need to decrease our suspects para mas mapadali ang paghahanap sa taong gumawa nito," seryosong sabi ni Miss Penelope.

"May nakita rin po kaming isang patalim sa crime scene. Iyon po ang murder weapon."

Goodness! Sinaksak siya?

"Ang sunog naman ay sadya talagang ginawa ng suspect. Nagsaboy siya ng gasolina sa buong paligid at nag-iwan siya ng isang kandila. Hanggang sa matunaw iyon at kumalat ang apoy. May nahanap po kaming pinaglagyan ng gasolina at mga tira-tirang piraso ng kandila."

Sinadya nga. Hindi ako mapaniwala sa mga nangyayari. Pero sino? Sino ang gumawa nito?!

"Suspects din ata ang mga batang ito..."

Napatingin kami kay Miss Penelope sa sinabi niya. Seryoso siyang nakatingin sa amin.

"H-Ho?" sabi ni Chloe.

"Ano ka ba naman, Penelope. Mga bata lamang yan-

"Bata man pero utak criminal. No offense. Pero gaya ng sabi nang police officer ay isa sa department ninyo ang may gawa nito kay Miss Keisha... o baka, isa sa mga kaklase ninyo ang may gawa nito?" tinaasan niya kami ng kilay.

"12 ALVAREZ? Malaki ang posibilidad non," dagdag niya.

Ayaw ko mang aminin pero tama siya. Bukas ang imbestigasyon at pwede kaming maging suspect sa nangyari.

"Unless, kung may matindi kayong alibi at may susuporta don. You will be out of the list."

Napalunok ako. Hindi nila pwedeng malaman...

"Penelope-

"I want an open investigation about this murder case. Gusto kong gawing konti ang list of suspects para mahanap ang gumawa nito kay Miss Keisha."

Napayuko kami. Kinakabahan ako, paano kapag nalaman nila? Natigilan ako ng maramdamang nag vibrate ang phone ko.

"Masusunod po, Ma'am," nagpaalam ang mga pulis at umalis na.

Nananatili kaming nakayuko ng biglang magsalita ulit si Miss Penelope. "Sana ay hindi isa sa inyo ang may gawa nito. Kaibigan pa naman niya kayo..."

Napalunok ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga pangyayari.

Inangat namin ang tingin namin ng maramdamang umalis siya.

"Pagpasensyahan niyo na si Penelope. Malapit kasi siya sa apo ko," malungkot na sabi ni Mr. Montesino.

"Wala pong problema. Tama naman po si Miss Penelope sa sinabi niya..," mahinang sabi ni Stella.

"Hija..."

Murder MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon