Chapter 10: Messages

209 17 1
                                    

From: Unknown

Stop including yourself or else you'll be the next.

Nabitawan ko ang phone ko dahil sa nabasa ko.

"Chloe? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong sakin ni Suzy ng makalapit sakin.

Pinulot ni Harris ang phone ko. Natigilan din siya sa nabasa niya. "Nagtext si Keisha."

"What?" sabay-sabay na tanong nila.

Agad pinakita ni Harris ang text message sa kanilang lahat. Pinakita na rin niya ang conversation namin.

Hindi nakapagsalita sina Miss Penelope, Vice, Trojan at yung babaeng nakaglasses. Tila malalim ang iniisip. Nagtataka naman si Mr. Montesino.

"Ang apo ko ang nagtext nito? Sigurado ba kayo?" nagtatakang tanong niya samin. "Pero imposible dahil patay na siya, nandyan ang katawan niya sa loob ng kabaong."

Nakaramdaman ako ng takot sa sinabi niya. Hindi ko magawang tingnan yun dahil sa mga naiisip ko na baka bumangon si Keisha sa kabaong niya o may makita pa akong kakaiba.

"Sige, buksan ninyo ang kabaong para matahimik na kayo," malamig na sabi ni Miss Penelope. "Pero pagkatapos nito ay huwag na huwag na kayong magpapakita samin. Huwag kayong pumunta sa libing niya."

Natigilan kami sa sinabi niya. Ano?

"Pambabastos itong ginagawa ninyo. Kaibigan niyo siya pero wala kayong tiwala sa kanya. Patay na si Keisha. Bakit ayaw niyo siyang patahimikin?" sabi naman ng babaeng nakaglasses.

"Sa inyo na mismo nanggaling diba? Patay na siya. Bakit iniisip ninyong kaya niyang gawin ang lahat ng to?" dagdag niya.

Hindi kami nagsalita at napayuko na lang. Sobrang guilty ako sa mga nangyayari. Ako na mismo ang nagsabi sa mukha ni Diane na patay na si Keisha pero andito ako, pinagdududahan kung siya ba ang may gawa nito.

Vice sighed. "Ano ba kayo? Mga bata pa lang sila. Sige na, umuwi na kayo at magpahinga alam kong stressed kayo sa mga nangyayari dahil sunod-sunod ang mga krimen."

Wala kaming nagawa at tumango na lang. Hindi rin nagsalita si Harris.

"Alam kong may tiwala kayo sa kaibigan ninyo... at ganun din siya sa inyo," ngumiti ng malungkot si Vice samin.

Umiwas ako ng tingin dahil sa sobrang guilt na nararamdaman.

"Tara na," bulong ni Dwaine at inalalayan kami para umalis.

Nakita ko ang disappointed na mukha ni Mr. Montesino.

"Umuwi na tayo," seryosong sabi ni Suzy.

Tumango kami at tahimik na pumasok sa sasakyan.

"Hindi ko alam na may plano pala kayo. Pero grabe! Nalimutan niyo na ba kaibigan natin yung namatay?" panimula ni Suzy.

"Hindi ako makapaniwala na kayo pa talaga ang aggressive umakto ng ganito kahit na tayo yung barkada! I'm so disappointed!" nanggigigil niyang sabi.

Hindi na lang kami nagsalita dahil tama siya. Parang nung una pinagtatanggol namin si Keisha tapos ngayon kami na yung nag-iisip na siya ang killer.

I'm sorry, Keisha...


Drey's point of view

Ilang araw ang dumaan at tahimik naman ang buhay namin. Walang napahamak at nakabalik na rin si Bryan. Hindi na rin muna kami pumunta sa lamay ni Keisha dahil wala na ata kaming mukha na ihaharap don.

Hindi din kami pinapansin ni Suzy. Nagalit din si Stella sa ginawa namin.

Nasa room kami kasama sina Janella, Harris, Dwaine at Kean. Nakapalibot kami dito sa likod at tahimik. Buong klase din ay tahimik lalo na ang grupo nina Shine dahil wala na sina Kiana at Diane.

"Hi class!"

Napatingin kami kay Mrs. Alvarez na kakapasok lang at nakangiti.

Tumayo kaming lahat para mabati siya.

She sighed. "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ninyong lahat ngayon dahil namatayan kayo ng tatlong kaklase..."

Nananatiling kaming nakikinig sa kanya.

"Hindi rin ako naniniwala na isa sa inyo dito ang may gawa nito..."

Sana nga ay isa na lang samin ang may gawa nito dahil ayokong isipin na si Keisha ang may pakana nitong lahat.

Napatingin ako kay Bryan dahil meron akong isang malaking katanungan para sa kanya.

"Kaya naman, since ang Montesino ay isa sa mga stockholders nitong University... The President decided to have a mini-program para kina Keisha, Kiana at Diane."

Ano? Naghanda talaga sila ng program?

"Kaya let's go. Only our class is said to be invited. Doon tayo sa Social Hall," sabi niya at unang umalis. Kinausap pa niya si Rose para mag check ng attendance.

"Tara na," unang tumayo si Janella at lumabas. Sumunod kami sa kanya.

Nakita kong sumunod din samin si Bryan. Lumapit ako sa kanya. "Can we talk?" mahina kong sabi.

Kunot noo niya akong tiningnan pero tumango din naman. Sumunod siya sakin sa likod ng building namin.

"What is it, Drey?"

"Ang sabi mo samin ay nakita mo ang papel ni Keisha at siya ang killer."

Tumango siya at nakinig.

"Bakit sigurado ka na pinatay siya ng ibang killer ngayon at connected to sa Murder Mystery? You acted like you know something nung namatay si Keisha. Your actions are weird and suspicious."

Naging mailap ang mga mata niya at hindi nagsalita.

"Pwedeng ibang rason ang pagkamatay ni Keisha at pwede ring hindi connected sa pagkamatay nina Kiana. Why are you so sure that it's connected?"

He sighed and looked at me seriously. Pero kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Sa totoo lang Drey ay may nagtext sakin nung Biyernes, ang araw na nag-start tayo maglaro," kinuha niya ang phone niya at pinabasa sakin.

From: Unknown

Welcome to mystery of murder! Thank you for playing this game. I am honoured to be in this role and kill every single one of you.

To: Unknown

Who's this?

From: Unknown

Victim #1: Keishandra Montesino – Eliminated

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. What the hell?!

To: Unknown

What is this?

Tiningnan ko pa ang ibang mga text messages. Ito ay yung araw na namatay si Kiana.

From: Unknown

Victim #2: Kiana Enriquez – Eliminated

To: Unknown

WHO ARE YOU?!

From: Unknown

Victim #3: Diane Bernardo – Eliminated

TO: Unknown

Who the fuck are you?! What do you want?!

Ito naman ay yung araw na natangpuang patay si Diane. Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko. Ibang tao nga ang killer. Hindi nga si Keisha!

From: Unknown

Keep other sections away or they will end up dead. Only 12 ALVAREZ can play this game.

Ito ay nung araw na pumunta kami kay Keisha. Shit. Katulad din ito sa text na natanggap ni Chloe. Ayaw siyang idamay ng killer. Ibig sabihin ay ang 12 Alvarez talaga ang target niya!

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Kinuha ko yun at tiningnan.

From: Unknown

I see... You're a witness now...

Agad akong kinabahan at tumingin sa paligid. Binabantayan kami ng killer at nakatingin siya ngayon!

Murder MysteryWhere stories live. Discover now