Chapter 15: Murder Booth

209 14 0
                                    

Janella's point of view

Pagkatapos ng libing ni Keisha ay hindi na nasundan pa ang pagpatay ng killer. Hindi rin naging madali para sa section namin ang mawalan ng 17 na kaklase mas lalo na si Mrs. Alvarez.

Ramdam na ramdam namin ang lungkot niya. Sobrang tamlay niya at tila apektado talaga sa mga nangyayari.

Ilang beses din siyang kinausap ng mga pulis at aminado kaming kami talaga ang prime suspects sa mga nangyayari ngayon. Pero lagi kaming pinagtatanggol ni Mrs. Alavrez. Hindi siya naniniwala na isa samin ang killer. I feel bad about her.

Ipinaliwanag talaga niya sa mga pulis na hindi kayang humawak ng baril at lumason ng ganun kadami na biktima ang isang estudyanteng katulad namin. Baril kasi ang ginamit sa pagpatay kay Diane at lason naman nung sa Social Hall. Sinabi niya ring hindi namin kayang pumatay lalong-lalo na sa sarili naming mga kaklase dahil naging malapit kaming lahat at magda-dalawang taon na kaming magkasama.

This week is Palaro week. Wala kaming pambato sa ibang sports dahil sadly, wala na sila. Lalo na si Diane, ang pinakamagaling sa volleyball.

1 week walang klase pero required pumunta dahil sa attendance. Nasa room lang kami at naglalaro ng uno cards. Wala si Stella at Suzy dahil may laro sila sa chess. Si Chloe naman ay sa volleyball. Yung iba naming kaklase ay naglilibot lang dahil madaming booths ngayon.

Mostly kasi sa mga kaklase namin ay nasa booths lang talaga at tumatambay dahil wala kaming maisusuporta sa mga sports ngayon. Absent din ang iba kahit required ang attendance pero wala naman ata silang pakialam.

"It's so boring! Kanina pa tayo naglalaro dito," nakasimangot na sabi ni Arthur.

"ML tara," pagyayaya ni Kean.

Tinago namin ang uno cards at naglaro ng ML maliban kay Drey at Bryan na natutulog lang. Busy sila sa kakasolve ng riddle kaya ayun pagod.

Mura sila ng mura tuwing napapatay sila ng kalaban samantalang tahimik lang akong naglalaro. Hay nako!

"Ayoko na lowbat na ko," sabi ni Dwaine nang nanalo kami ng tatlong beses sa rank.

"Tara, maglibot na lang tayo. Madaming booths eh," yaya ni Arthur samin.

Nice! Kanina ko pa gustong maglakad-lakad, parang napapagod na ako sa kakaupo.

"Tara, tara," excited na sabi ko.

Ginising naman ni Harris sina Drey at Bryan. Humagalpak sa tawa sina Dwaine at Arthur dahil sa itsura ng dalawa. Pinipicturan pa nila yung mga mukha at pulang mga mata nina Bryan at Drey.

"Good morning mga bobo!" tumawa ng malakas si Arthur dahil sa magandang kuha niya sa mukha ni Drey.

"Pakyu! Akin na yan!" iritang-irita na sigaw ni Drey sa kanya at sinusubukang agawin ang phone niya.

Natatawa naman sina Kean, Dwaine at Harris sa kanila.

Napailing na lang ako. Mga loko loko talaga ang mga yan. Laging may kalokohan na naiisip.

"Piece of shit, akin na yan," mainit din ang ulo ni Bryan dahil ginising siya tapos pagtitripan lang din.

Tamad na tamad na tumayo ang dalawa dahil inaantok pa. Dumiretso kami sa booth ng SHS Department pero sobrang dami ng tao! Nagpa-reserve na lang kami para mamaya. Kaya nag desisyon kaming kumain muna bago pumunta sa booth.

"Ano ano ba yung mga booth?"

"Tatlong booth meron ang SHS Department saka ang sabi ko lang kay Aaron ay i-reserve niya tayo kahit ano sa mga booth nila," pagpapaliwanag ni Harris.

Si Aaron ay hindi namin kaklase pero kilala namin siya. Nasa ibang section lang kasi siya, kaklase niya si Suzy. At isa pa, miyembro rin siya ng SSG. Sila kasi ang naatasan sa pag-organize ng mga booths sa SHS Department. Ngayon lang nga nila naisipan na gumawa ng ganito. Last year kasi ay wala. Siguro naisipan nilang gawin to dahil na rin sa section namin.

Napapansin ko nga yung ibang sections umiiwas samin dahil sa mga nangyayari. Meron nga bigla na lang hindi namansin bigla o pag-uusapan ka harap-harapan. Parang nandidiri sila sa presensya namin. Kapag naaabutan yon nina Stella, Chloe at Suzy ay inaaway nila ang mga taong yun.

May mga tao din kasing patuloy pa rin na pumapansin samin. Nagpapasalamat nga ako dahil marunong silang umintindi. Wala naman kasi kaming kasalanan sa mga nangyayari, nadamay lang kami. Ang killer ang pasimuno sa lahat ng to.

"Nako, baka horror booth yun! Kung chix ba naman ang multo ay walang problema sakin," sabi ni Arthur sabay taas-baba ng mga kilay niya. Manyak talaga.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang makipag-make out sa multo," natatawang sabi ni Drey.

"Aba, why not? Pagbigyan! Saka madilim naman at malamig, walang problema sakin," mayabang niyang sabi kaya natawa kami.

Sa aming lahat, siya ang pinakamanyak.

"Loko ka talaga, Arthur ang manyak mo," nakangiting sabi ko.

"Hindi ah. Friendly lang ako," pagdedefend niya pa sa sarili niya.

"Malandi ka, pati student teacher natin noon hinalikan mo," natatawang sabi ni Harris.

"Hindi ko yun sinasadya! Tinulak ako ni Dwaine!"

Nagtatawanan kami at inaasar ang isa't isa. Maya-maya lang ay napunta ang usapan namin sa problema namin. Ang murder mystery.

"Tahimik ngayon ng killer, very unusual," sabi ni Bryan.

"Baka may pinaplano na naman na masama," sabi naman ni Harris.

Knowing the killer? Madali lang sa kanya ang pagpatay. Kayang-kaya niyang lusutan ang imbestigasyon dahil wala siyang naiiwan na ebidensya. Except yung riddle dahil mukhang sinadya niyang iwan yun.

"Kumusta yung code? Alam niyo na ba ang tungkol doon?" tanong ko kina Drey at Bryan.

Umiling siya. "Wala. Ang hirap talaga!"

Tumango si Bryan bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Sobra. Sumasakit ang ulo ko dun."

Sana naman ay masolve na nila yang riddle na iniwan samin ng killer kahit mahirap pa yang intindihin. Gustong-gusto niya kasi talaga na pahirapan kami.

Nahinto lang ang pag-uusap namin dahil nagtext na si Aaron kay Harris kaya pumunta na kami sa booth ng SHS Department.

Pagdating naming ay andun ang iba kong mga kaklase. Expected naman na andito si Rose dahil siya ang President ng 12 Alvarez, sumama siya sa pag-oorganize dito. Andito din ang best friend niyang si Patricia. Nandito rin sina Shawn, Kobe, Joshua at ang iba pa naming kaklase.

"Kayo ang first group sa afternoon schedule kakatapos lang kasi namin mag lunch break pero maayos na yan sa loob, Harris. 10 minutes lang kayo sa loob ah," sabi ni Aaron at binigay samin ang mga gloves, maliliit na plastics at parang ID.

Ano to?

"Salamat, Aaron. Anong booth ba ang lalaruin namin?" tanong ni Harris habang tinitingnan ang mga binigay ni Aaron.

"Sa murder booth, Harris."

Napatingin kami sa kanya. Ano daw?

"A-Anong booth, Aaron?"

Ngumiti si Aaron. "Murder booth. Hanapin niyo ang killer ah? Good luck!"

Murder MysteryWhere stories live. Discover now