Chapter 16: 4 Victims

194 15 0
                                    

Arthur's point of view

Hindi kami naka-react agad sa sinabi ni Aaron. Bakit ba kasi ayaw kami lubayan ng tadhana sa larong ganyan! Murder mystery, murder booth ampucha hanapan na naman ng killer! Nakakastress!

"Pinagtitripan ba tayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Drey. "Hindi ba tayo titigilan sa mga ganitong laro?"

Bryan and Harris sighed.

"Let's get this done with. We just need to investigate, pick up the evidences, tell our deductions and point out who the killer is," lamyang sabi ni Bryan habang sinusuot ang gloves at ID.

Wala kaming nagawa at sumunod sa sinabi niya.

"10 minutes only okay? Good luck!" sabi ni Aaron at pinagbuksan kami ng pinto.

Dahan-dahan naman kaming pumasok sa madilim na room. May binigay din saming dalawang flashlight kaya maayos naming nakikita ang paligid. Bawal daw kasi gumamit ng flashlight sa phone kundi disqualified daw kami. 

"Shit! Sinong umapak sakin?" naiiritang tanong ni Dwaine.

Natawa ako sa kanya. "Sorry dre."

"Gago."

Aba! Ang dilim kaya! 

Itinutok ni Bryan ang flashlight sa isang gilid. Nakita naming may nakahiga na babae sa sahig at may folder sa tabi nito. Hindi namin makita ang mukha dahil nakaharap yun sa kabila. Para kaming tanga na sunod ng sunod kay Bryan dahil siya lang ang nag-iimbestiga. Mukhang marunong kasi siya sa mga ganitong games or something. Gusto ata nito maging detective paglaki niya e.

Binasa niya yun pero napatingin siya samin. "Anong ginagawa niyo?"

"Uh..."

"Tss. Lumayo nga kayo! Mag-imbestiga kayo dun," masungit niyang sabi at pinagpatuloy ang pagbabasa sa folder.

Sumunod na lang kami kay Harris dahil siya ang may hawak ng isa pang flashlight. May nakita kaming isa pang katawan pero this time lalaki naman na nakaupo sa upuan pero nakayuko, may folder din sa gilid niya.

"Patawanin natin mga yan, uma-acting sila eh," bulong ni Dwaine samin ni Kean. Demonyo talaga ang isang to pero hindi naman masama ang idea niya.

Ngumisi kami at naghiwa-hiwalay. Ginamit naming ang flashlight sa phone namin. Wala namang bantay eh.

"H-Hoy! Saan kayo pupunta?" tanong samin ni Janella.

"Dyan ka lang kay Harris," bilin ko at umalis na sa tabi nila.

Lumapit kami sa isa pang katawan na babae na nakasandal sa pader pero nakayuko. May folder din sa gilid niya.

Natawa kaming tatlo sa kalokohan namin. 

"Kilitiin mo, Dwaine," pang-uuto ko sa kanya. Sa aming lahat siya kasi ang uto-uto eh kaya masaya ding pag-tripan.

"Bilis, Dwaine!" dagdag ni Kean.

Tumawa si Dwaine at lumapit sa babae. "Hi Miss! Pwede ko bang hingin ang number mo?"

Impit kaming natawa ni Kean sa ginagawa niya. Hindi naman gumagalaw ang babae, parang walang effect sa sinasabi ni Dwaine. Gusto ko sana siyang videohan tapos ipakita sa jowa niya e.

"Huy Miss! Grabe, snob!"

Natawa kami ng malakas ni Kean. "Gago ka talaga, Dwaine!"

"Ayaw sumagot eh."

Umiiling akong umalis dun at naisipang lapitan si Bryan. Lumapit ako sa kanya at naabutang nakatingin sa katawan ng babae na nakahiga sa sahig.

"Huwag mong itutuloy yang iniisip mo, di ka pa marunong ng safe sex."

Murder MysteryWhere stories live. Discover now