•42•

706 38 20
                                    

Apparently nasa harap na sila ng branch ng isang sikat na game zone. Buong akala ni Wonyoung na itutulak niya papasok si Yujin pero nauna na pala itong tumakbo sa loob.

Napakamot nalang siya sa ulo niya.

Bumili ng napakaraming tokens si Wonyoung kasi ayaw ni Yujin pumila. Tinatamad daw kasi siya kaya ayun.

Nauna silang lumapit sa isang machine at nagsimulang maglaro. Talo si Yujin.

"What? Not fair!"

"Not fair ka jan? Nanalo ako basta yun na yon!"

"Let's play a different one."

Marami na silang nilaro matapos ang mahabang oras, Mortal Kombat, Street Fighter, Tekken, kahit yung mga baril barilan na game machines nalaro na rin nila.

Lahat talo si Yujin.

"Gosh I can't believe you actually suck at playing kahit House Of The Dead seriously? Babarilin mo yung tao?"

"The person looks ugly okay? Tss."

Doon naman sila sa mga racing games. Medyo confident na si Yujin na maipanalo yun.

"Whoever wins will treat dinner!"

"Sige lang!"

Isa isa nilang nilaro bawat racing game hanggang sa nagsawa sila. Hindi pa rin maalis ang ngiti ni Wonyoung. Kasi panalo na naman siya.

"Ikaw na manlilibre bleh! Nye nye nye nye~"

"Tss."

Napako ang tingin ni Yujin sa isang basketball arcade machine.

Biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Hah! Let's play that!" turo ni Yujin sa nakita. Lumingon naman si Wonyoung sa direksyon na yun.

"Okay," sagot niya. Naglakad sila papalapit sa isang basketball game machine. Maraming units iyon na ginagamit na ng iba.

"Pano ba yan mukhang di tayo makakalaro, Yujin." paglingon niya wala na si Yujin sa tabi niya. Bigla niya nalang itong nakitang kinakalabit ang isang lalaki na busy sa paglalaro.

"Yuji—"

Wala na finish na. Hindi na niya napigilan ang kasama niya.

At hindi niya rin alam kung pano niya napaalis ang babaeng masayang naglalaro kani kanina lang.

"Hurry your ass up!" sigaw ni Yujin.

Wonyoung walked closer to Yujin's without any word. Pansin niyang masyadong malapad ang ngisi ng kasama niya. 

Excited na naginsert ng tokens si Yujin pati sa katabing unit. Tinignan niya si Wonyoung na tila naghahamon.

"Let's get it?" Tanong niya.

Pumunta si Wonyoung sa katabing unit at kumuha ng isang bola. Gets na gets ang gustong iparating sa kaniya ni Yujin, "Let's get it," sagot ni Wonyoung.

Pataasan ng scores ang drama nila.

At ang nanalo?

Si Yujin finally.

(Laking pasasalamat niya kila Yeji dahil sila ang tumulong para sa basketball skills niya)

Kahit pagod si Wonyoung, tahimik lang niyang pinanood si Yujin na nagtatalon na sa tuwa. Natawa rin siya dahil mukhang ewan ang kasama niya. Parang bumalik siya sa pagkabata.

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now