•50•

698 36 21
                                    

Maraming napatingin sa isang babaeng biglang nawalan ng malay sa gitna ng daan. May mga umiiwas, may mga nakichismis, may mga nagpicture at nagpost sa social media, may mga dumaan lang, walang pake sa paligid.



Maliban sa isang tao.



Agad siyang lumapit sa babaeng walang malay.


She instantly checked the body. Bigla siyang nakahinga ng maluwag, nang makitang ayos lang siya. Pero kailangan pa rin dalhin sa ospital. Dahil hindi siya sigurado sa nangyari rito.


Binuhat niya ang babae.



"Putangina niyo kung wala man lang kayong ambag magsitabi nga kayo! Harang harang kayo sa daan alis nga!" sigaw niya. Buti natakot naman ang ilan kaya sumunod ang mga ito.


Sa di kalayuan makikita ang isang babaeng tumakbo papalapit sa kanila.


"Hyunjin— gago sino yan!?"



"Yves tulungan mokong dalhin to sa ospital."




.




Hindi mapakali si Wonyoung sa kinatatayuan niya. Ilang oras na ba siyang naghihintay?


7 pm ang usapan. Pero anong oras na? Tatlong oras na siyang naghihintay sa park.


Something doesn't sit right with her. Masama ang kutob niya. At hindi niya alam kung bakit o kung ano yun.



Basta kinakabahan siya para kay Yujin.



Speaking of Yujin... Wonyoung's phone rang, displaying the former's name on the screen.

Biglang napalitan ang kaba niya into excitement pero naiinis siya kasi sobrang late ni Yujin para sa date nila.


"Hello? Yujin? San ka na ba alam mo bang—"

"Wonyoung it's Ryujin."


Wonyoung tensed up, obviously surprised because of the latter's unusual tone. Seriousness was evident on her voice.


Bigla na tuloy siyang kinabahan.



"Yujin. She's in a hospital."


Wonyoung immediately ended the call. Wala sa pagdadalawang isip na umalis siya sa kinatatayuan niya at agad naghanap ng taxi. Her phone vibrated. Ryujin texted her the location of the hospital.




She was there.




Inside a taxi.




Praying silently.




Ni hindi nga niya pansin na umiiyak na pala siya.




.



Nahilo na yata sila Yuna kay Ryujin. Pabalik balik siyang naglalakad habang nag-iisip while she's actually waiting for Wonyoung.


Nagpapasalamat siya sa tumawag sa kaniya kanina. Hyunjin ang pangalan ng caller.



Actually kasama nila ngayon.



"Maraming salamat sa pagtawag samin, Hyunjin." Seryosong sabi niya.


"Walang anuman yun." Napatingin naman si Hyunjin sa babaeng nasa kama ngayon at mahimbing na natutulog. "Sinubukan kong kunin ang hawak niyang bouquet kanina."



colour | annyeongz [completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz