•08

867 51 39
                                    

"Hehehehe putsngina nnemen eh hahahahahaahaha ayosh na nga aku babalik balik ka pa?" pagsasalita niya habang dinuduro si Wonyoung.



"Ang kasho, nung nakaushap keta olet hanep narealaysh k-kong mahal parin talaga keta. Ayos no Minjoo no? Ano mashaya ka na? Huh?"



Tahimik na inalalayan niya si Yujin papunta sa kwarto nito. Mabigat pero tinitiis niya lang basta ang para sa kaniya maihiga ito ng maayos sa kama.



"Putek ano ba bitiwan moko!" pinagtutulakan niya si Wonyoung na para bang diring diri siyang hawakan nito. Masakit para sa kaniyang makita si Yujin na ganito. Umiiyak, nasasaktan.




Mas masakit pa lalo na't si Minjoo ang dahilan.



Pagkahiga ni Yujin sa kama ay agad itong nakatulog. Pinagmasdan lang siya ni Wonyoung na nakatayo sa gilid.



"Bakit maganda ka parin kahit umiiyak, Yujin?"



Inikot nalang siya ang paningin sa buong kwarto niya. Nakita niya ang sangkaterbang mga libro at mga video games sa isang shelf. Naalala niya tuloy ang mga panahong naglalaro sila ng magkasama.




"Wonyo naman eh marunong ka ba talaga o hindi? Sabing wag ako tirahin mo kundi yung mga zombies putangina naman!"




"S-sorry ah! AAAAAAH PATAYIN MO DALI DALI!"



May nakita siyang isang picture frame. Si Yujin at ang barkada niya na nakawacky pose. Pansin niya, ito lang ang tanging picture frame na nakita niya sa buong apartment.



'Wala ba siyang picture kasama ang pamilya niya?'



Lumapit siya ulit sa natutulog na Yujin at hinalikan sa pisngi. Lumabas na siya ng kwarto niya pagkatapos.

.



"Buset ansakit ng ulo ko." reklamo ni Yujin. Masyado yatang naparami ang inom niya kagabi kaya masyado siyang inatake ng hangover niya. She checked the time and it's 9 am already.



Hinayaan niya nalang na umabsent siya. Mas maayos nalang rin daw kasi ayaw niyang makita ang ex niya.



"Gutom na ak—" naputol ang pagsasalita niya nang makita si Wonyoung na natutulog. Nakapatong ang ulo sa dalawa niyang braso.



'Teka binantayan niya ako simula kagabi?'



Hinawiran niya ang mga buhok sa mukha nito at pinagmasdan lang siyang natutulog.



'Akalain mo yun, may itsura pala to?'



Biglang dumilat ang tulog kaya nagka-eye-to-eye contact sila. Hindi naman maipaliwanag ni Yujin bat lumakas ang tibok ng puso niya. Para kasi siyang hinihigop ng mga mata ni Wonyoung at di maalis ang paningin niya rito.



"Ayos ka na ba? Nagugutom ka? Ano masakit ba ulo mo? Sandali kuha lang kita ng pagkain at gamot jan ka lang ha." Mabilis pa sa alas kwatrong lumabas si Wonyoung.




"Tanginang yan bat kinikilig ako sa babaeng yun," Yujin said with all honesty.




Alangan namang ideny niya? Eh naexperience niya na pano mainlove dahil kay Minjoo kaya hindi siya tanga para hindi marealize na may nararamdaman na siya kay Wonyoung. 



.



Awkward na awkward si Yujin habang kumakain. Eh kasi naman, kaharap niya si Wonyoung. At wala itong ginagawa kundi ang titigan lang siyang kumakain.



colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now