•02

1.3K 55 65
                                    

  Tahimik lang na kumakain ng ice cream si Wonyoung sa park. Masaya siya lalo na't mint choco ang flavor na nabili niya. Pero bakit sa lahat ng bibilhin niya, bat ice cream pa? Wala na siyang pera for duck's sake!


Ninakawan kasi siya kanina nung taong tinulungan niya at bibigyan pa sana ng pera. Kaso snatcher pala amporkchop edi ayun siya ngayon nganga. Pwede namang sandwich bilhin niya, pero ice cream kasi daw talaga kaniya. Mincho over anything else!



Naubos nalang niya yung ice cream niya ay nasa park parin siya. Bigla tuloy siyang nagsisi bat naglayas siya. Nahihiya na kasi siya sa tita niya dun sa tinitirhan niya. At isa pa, halata namang ayaw sa kaniya ng pinsan niya kaya mas minabuti nalang niyang umalis.


And the question is, saan na siya ngayon titira? Napabuntong hininga nalang siya.



"Siguro dito nalang muna ako sa park matutulog ngayong gabi," sabi niya sa sarili. Biglang tumunog tiyan niya na sinyales na gutom na siya. Susme naloko na!


Eh wala siyang pera pano na siya makakabili ng pagkain niyan?



"Kailangan ko ng trabaho huhu," wala na siyang pake kung magmukha siyang tanga kakaiyak sa park. Basta gutom na daw talaga siya yun ang main problem niya.


Sa kabilang banda, si Yujin naman ay kasama si Yena na bumili ng pagkain sa convenience store. Syempre libre ni Yena. May usapan sila at ayaw niya itong palampasin.


"Di ka talaga naaawa sakin ano?" tanong ni Yena sa kasama niya.


"Oo HAHAHAHA sayang libre ulol ka," naglakad lang si Yujin papunta sa park. Sumunod naman si Yena pero biglang tumunog ang cellphone niya.



"Pre nagtext si Yuri sakin, alis na ako ah? Kitakits nalang bukas!" Yujin waved goodbye to Yena while smiling. Dali dali niyang kinuha ang tuna sandwich niya sa plastic bag at tinapon ang plastic bag sa pinakamalapit na basurahan katabi ng isang bench.


A certain woman was eyeing Yujin. More likely eyeing the sandwich she's holding. Gutom na gutom na kasi talaga ito. Yujin felt uneasy because of the woman's gaze. Like she was staring weirdly at her yung tipong mangangain.


 'Gutom ba to?' Tinanong niya sa sarili niya. Mukhang naglayas ito dahil may maleta sa tabi ng babaeng kanina pa nakatingin sa kaniya. Ang weird kasi wala siyang imik na nakatingin. Creepy ampota.


Pero anong pake niya dito? Gutom na rin siya eh. At ayaw niya ng may kashare kaya naglakad nalang siya paalis.



"Ay putangina!" Gulat na sigaw ni Yujin dahil bigla nalang nasa harapan niya yung babae sa bench kanina.


"Miss stalker ba kita? Tangina nakakatakot ka na ah!" kinakabahang sabi niya sa babae.



Tulad kanina sa bench, hindi parin ito nagsasalita. Her eyes are fixated at her— her sandwich that she's holding.


"Pipi ka ba? Di ka talaga nagsasalita." She received no answer still. Bigla niyang naisip na baka porenjer ito.


"Are you mute? Why won't you talk?" At tulad kanina wala parin itong sagot. Naiinis na siya sa babae. Sayang cute pa naman ito.


Naalala niyang may tuna sandwich pa pala siyang kakainin kaya akma niyang isinubo ang sandwich at nakita niya ang paglaki ng mga mata ng babae na gustong gusto na siyang pigilan.



Idinireksyon niya ang sandwich sa kanan, dun rin lumingon ang babae. Idinireksyon niya sa kaliwa, itaas at ibaba doon parin siya nakatingin. Sa sandwich na hawak niya.



colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now