•34•

709 37 33
                                    

Walking along the road in the middle of the night (again), Wonyoung was silently hoping to see her (again). Nasa may bandang kanto siya kung saan niya huling nakita si 'Yujin'. Palinga linga lang siya sa paligid nang may narinig siyang mga nasirang gamit pati mga nababasag. Rinig na rinig niya.

She flinched immediately, goosebumps all over. May nakita na naman kasi siyang nagsusuntukan sa may bandang hindi kalayuan.

"Hi miss, nawawala ka?" a certain guy popped out of nowhere. And judging by the looks of it, he's a dangerous person.

"Ah, I should go—"

"Mamaya na miss, tinatanong pa kita." seryosong sabi niya at bigla biglang dumami ang mga kasama niya.

Wonyoung took a step back, trembling in fear. The sight of it made the guy smile widely. Mukhang nag-eenjoy talaga ito sa reaksyon ng dalaga. So he moved closer.

"Hmmm... Wat a perpek diner." sabi niya.

'Nakakatakot na sana pero bakit nakakatawa english niya...' sabi ni Wonyoung sa isipan.

"D-dinner po hindi diner, magkaiba po yu—"

"Wala ako pakialam! Basta paglalaruan ka namin mamaya."

"Hala siya, hindi po ako laruan po. Tao po ako, tsaka marunong po ako maglaro ng tagu-taguan, chinese garter, jack en poy—"

"Wag mokong ginagago! Dakpin niyo ang babaeng to!" Bigla na namang kinabahan si Wonyoung.

"Boss anjan na sila!" Sigaw ng isang lalaki.

Agad namang lumingon ang 'boss' nila at nakitang nagkakagulo na ang mga kasama niya.

"A-anong nangyayari?" sigaw ng boss.

Instead of answering, all he heard was groans and wails from his comrades.

"Grabe pati inosenteng babae pinapatulan mo?" a woman with a short and pink hair came. May kasama itong tatlo pa na mga babae. 

"Wag kang makialam dito, Shinryu."

"Ngi," the girl called 'Shinryu' shook her head and smiled cockily, "Umpisa pa lang may pakialam na ako. Hindi pa nga kami tapos sa inyo eh. Tsk tsk." 

"Hindi na namin kasalanan kung bakit napakahina niyo."

"Leader narinig mo yun? Mahina daw tayo." lumingon si Shinryu sa isang babaeng cat eyed at may Pucca hairstyle. Unlike the former, the latter seems cold. Kasi eversince na dumating ang mga ito, hindi talaga siya ngumingiti.

"You're too noisy." Yan lang sinabi niya.

"Hahahahaha grabe guys, kaya ba natin today?" Biglang umakbay sa kanilang dalawa ang isa pang babae na nakaponytail. Mukha siyang happy go lucky.

"Kaya ang alin? Ubusin sila lahat? Hatdog." Biglang sabat ng babaeng blonde.

"Hindi pa kami tapos dahil sa ginawa niyo sa kasama namin."

"Taena Ryujin masyadong same energy dun sa 'wala kayong pake kung pabebe kami sa mga videos namin' nung pabebe girls puta."

"Lah san galing yun Lia?"

"Alam niyo ang ingay niyo talaga."

"Ah share mo lang Yuna?" sabay na sigaw ng dalawa.

"Y'all are idiots." The leader said while the others are still bickering.

Napansin ni Wonyoung na parami nang parami ang mga kasama ng lalaki. Some are holding weapons. Buti nalang walang may dala ng baril. Kutsilyo nga lang hawak ng iba.

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now