•06

879 58 27
                                    

The next day, maaga ulit na gumising si Yujin at naligo. Pero this time, nakauniform na siyang pumunta ng kusina. Ayaw na niyang maulit yung nangyari kahapon. Baka magpakain nalang siya sa lupa kung ganon.


May pagkain nang nakahanda sa mesa pero wala si Wonyoung. Hinanap niya ito kahit sa sala pero wala parin.


Nakita niya lang si Jinjin na mahimbing na natutulog. Kaya bumalik nalang siya sa kusina at kakanin nalang ang breakfast. Pero may nakita siyang isang sticky note na nakadikit sa baso ng orange juice. Kinuha niya ito at binasa.


Good morning! Ito na po yung breakfast mo kamahalan. Kainin mo yan ha, napakain ko na rin si Jinjin. Tsaka maaga akong umalis kasi may gagawin ako. Ingat sa school ah!

Ps. Wag mokong masyadong hanapin babalik naman ako hehe (sana ol bumabalik) ;)

-Wonyo


After reading the note Yujin let out a heartful laugh. Akalain mong may tinataglay palang ganitong ugali ang babaeng yun?


Tinago niya ang sticky note at nagsimulang kumain. Pumunta na rin siya ng school after.


.


"Yujin ang hanep parin talaga first time kong makita kang nalate kahapon HAHAHAHAHA GRABE RECORD BREAKING!" Pang-aasar ni Yena sa best friend niya.

"Tss pake mo? Bored lang ako. Tsaka isa pa nawili ako sa video game na nilaro ko kaya ako natagalan." Pagsisinungaling niya.


"Okay class attention! Let me introduce to you all your new classmate. Miss?" Pumasok na nga ang new student sa classroom nila. Napasigaw ang kalalakihan sa saya kasi may maganda na naman silang classmate. Ang bored na bored na si Yujin ay halos iluwa na ang dalawang mata sa gulat.


"Hi everyone! I'm Jang Wonyoung! Nice to meet you all!" bati niya kaya lalong naging maingay ang lahat.


Wonyoung scanned the faces in front of her. Tapos nakita niya si Yujin sa may bandang likod at gulat na gulat. Lalo siyang napangisi dahil successful ang surprise niya!


"Okay miss Jang please take your seat. Dun sa likod ni miss Ahn." Sumunod naman siya at masayang umupo.

Di mapigilan ni Yujin na tanungin si Wonyoung sa likod niya. "Anong ginagawa mo dito?" bulong niya. Nagsisimula na kasi ang klase.


"Mag-aaral." simpleng sagot nito.


Totoo naman kasing mag-aaral siya. Pero ang primary motive niya ay ang sundan si Yujin. Buti nalang talaga at nakita niya ang ID nito at nalaman niya ang pangalan ng school at section nito. Kaya tinawagan niya ang tita niya ay dahil nagpatulong siya sa pag-enroll. Pagkatapos ay bumili ng mga gamit at uniform.


Gusto naman talaga niyang mag-aral, mas gusto nga lang niyang sundan si Yujin. Kaya laking tuwa niya nang makitang nasurpresa nga ito. Mission success ika-nga.


"Psst pre, kilala mo?" tanong ni Yena sa best friend.

"Hin—"


"Oo." sabat ni Wonyoung. Medyo nasaktan siya kasi alam niyang 'hindi' dapat ang isasagot ni Yujin.


"Ahhh. Mag-uusap tayo mamaya." Seryosong sabi ni Yena at nakinig nalang sa klase.


Si Yujin naman ay naiinis na bakit biglang sumabat sa usapan si Wonyoung. Sumubsob nalang siya sa desk niya at natulog. Si Wonyoung naman nagtaka bat di nakikinig si Yujin sa klase. Kaya kinakalabit niya ito.


"Psst uy."


"Makinig ka kay teacher."


"Huuy—"



"Ano ba!?" sigaw ni Yujin at inis na humarap kay Wonyoung.


"Miss Ahn miss Jang anong nangyayari jan sa likod? May problema ba?"


"N-nothing ma'am," Hindi sumagot si Yujin kaya siya nalang ang sumagot.


Hindi maintindihan ni Wonyoung bat naiinis na naman ito sa kaniya. Eh siya lang naman ang inaalala niya.


'Hindi ba mahalaga sa kaniya ang pag-aaral?' tanong niya sa isipan.


Sa wakas at breaktime na. Lumabas na si Yujin papuntang canteen. Sumunod naman si Wonyoung. Tila isang asong sumusunod sa amo niya. Kaso naputol ang paglalakad niya nang may pumagitna sa kaniya.


"Hi miss anong pangalan mo?" tanong ng lalaki. Naiinis na tinitigan ni Wonyoung ang lalaki, "Excuse me pero nagmamadali ako." Akma niyang lagpasan ang lalaki kaso pinigilan siya nito.


"Miss naman pwerang pangalan na eh."


"Bibitiwan mo ang babae o babalian kita ng buto?" banta ng isang babae.


"H-honda Hitomi..." takot ang lalaki sa kaniya kaya umalis nalang ito.


"Ayos ka lang ba? Nako mga lalaki talaga tsk tsk." sabi ng babaeng si Hitomi.


"Maraming salamat po. Ako po si Wonyoung. Bago lang po ako dito hahahaha"


"Hi Wonyoung! Ako naman si Hitomi. Welcome sa school namin. Ano, tour kita?"


"Sige po!" at agad siyang sumama.

.


"Taena ang grabe ng buhay mo lately ha HAHAHAHAHA!" tawa lang ng tawa si Yena habang si Yuri naman naglalaro ng mobile legends. Naikwento na kasi ni Yujin ang lahat sa kanilang dalawa.


"Ahhh kaya naman pala mukha kang stressed Yujin." may babaeng nagsalita sa likod nila.


"Hyewon?! Bumalik ka!" Bati ni Yujin sa kababalik lang na kaibigan na si Hyewon.


"Grabe long time no see! Buhay ka pa pala— aray ko sakit nun ah!" Binatukan ni Hyewon si Yena.


Si Hyewon ay parte ng tropa ni Yujin. Absent ito ng ilang araw dahil nagkasakit. Pero nakabalik na siya ngayon.


"Namiss ka namin Hyewon unnie!" sabi ni Yuri na naglalaro parin. Masaya silang nagkkwentuhan hanggang sa inabot na sila ng time. Bumalik na sila sa kanilang classrooms at si Hyewon ay pumasok sa kabila. Hindi kasi sila magkaklase nila Yujin.


"Maraming salamat po ulit sa tour Tomi!" nakita nilang masaya si Wonyoung habang nakikipagkulitan sa taekwondo player na si Hitomi.



"Walang anuman. Sa susunod na may nakakainis na tao sabihan moko at babalian ko ng buto para sayo," nagtawanan ulit sila. Nagpaalam na sila sa isa't isa at pumasok sa kanilang classrooms.


Walang imik na umupo si Yujin sa upuan niya. Pansin ito ni Wonyoung pero hindi niya inalintana. Umupo nalang rin siya at naghintay sa teacher nila.


As the classes went on, their teacher asked them some questions to answer. Salitan sa pagsagot sina Yujin at Wonyoung. Nagulat ang lahat kasi sa wakas, may karibal na sa acads si Yujin. Pero kay Yujin, wala siyang pake. Kahit na kunin na ni Wonyoung ang top position ay ayos lang sa kaniya.


Classes ended. Lumabas si Yujin na badtrip parin ang mukha. Si Wonyoung sumusunod lang sa kaniya.



"Yujin."



"Yujin."



"Yujin."




"Ano!?"


"Anong gusto mong ulam for dinner?"

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now