•27•

798 39 48
                                    


Naiinis na si Eunbi. Naiinip. Nababanas. O kung ano pang tawag jan. 

Nasa bahay siya ni Sakura ngayon, bihis na bihis. She expected to see her girlfriend all set and ready pero ano tong nakita niya? Wala pang ligo. 

"Sakura bilisan mo na jan kala ko ba magddate tayo!" sigaw niya sa kasintahan. 

"Argh... Five minutes muna please..." sambit ni Sakura habang nakapikit pa ang mga mata. Puyat na puyat kasi ito dahil sa pag-aaral. Balot na balot pa rin siya ng kumot at itinago ang mukha sa isang unan. 

Without a word, Eunbi went on top of Sakura. "Huy gising na kasi!" Inaalog-alog na niya ang kasintahan niya. Wala pa rin. "Tsk." Kaya hinalikan niya ito sa leeg niya. Napadilat naman si Sakura sa ginawa ni Eunbi at nagpakawala ng isang ungol. 

"E-eunbi..." 

Bigla namang napangisi si Eunbi at dahan-dahang inilapit ang bunganga niya sa tenga ng jowa. 

"PUTANGINA GUMUSING KANG DAMUHO KA!" 

Napabalikwas ng bangon si Sakura at tinulak si Eunbi sa gulat. Agad naman niyang tinakpan ang isang tenga niya kung saan sinigawan ni Eunbi. 

"Eunbi what the fuck!" Sakura exclaimed with a frown while Eunbi was just laughing non-stop. 

"That's your fault for not waking up, idiot. Hahahaha!" 

"Urgh, my other ear is ringing. Nabingi na ata talaga." 

"Buti naman gising ka na. Maligo ka na kasi hahahaha! Sayang date natin oh. Bihis na bihis pa naman ako." 

"Hala gago oo nga pala." Tumayo naman siya pero muntik nang matumba dahil nabibingi pa rin talaga siya. "Tangina mo Eunbi." 

"Tangina mo rin Sakura." Eunbi replied with a wink. 

"Bilisan mo nang maligo ha?" 

"San nga ba tayo pupunta?" tanong niya habang naglalakad papuntang comfort room. 

"Lah, hindi mo alam?" 

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" 

"Sabi ko nga. Pero bilisan mo na sa pagligo mallate na tayo." 

"Mallate san?" 

"Tangina kala ko ba reveluv ka? Ba't di mo alam na may concert ang Red Velvet? Tsk tsk sige uwi nalang ako. Sayang may concert tickets pa naman ako dito oh, VIP standing pa naman." sabi niya sabay pakita sa dalawang tickets na hawak niya. 

Eunbi saw how Sakura was stoned to her place, eyes wide open, and how her jaw dropped. The older slowly flashed a grin of amusement. She really finds her girlfriend extremely cute. 

Sakura, who was still astonished, immediately went towards her girlfriend and kissed her on the lips.  

"You're the best!" she said and hugged her tightly. 

Patawang tinulak ni Eunbi ang jowa niya at sinabing, "Ligo na! Baho mo na eh."  



....



"G-grabe... Akala ko mawawalan na ako ng boses..." They both walked outside the arena. Tapos na kasi yung concert na inabot ata ng mahigit dalawang oras. 

"Nag-enjoy ka ba?" 

"Sobra!" 

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ng dalawang babae habang naglalakad. Bigla namang nakaramdam ng gutom ang isa. 

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now