•29•

766 42 47
                                    

Sophomores na sila. Nagbago na rin ang appreance ng iba. Lalo silang nagmature. Sa galaw at itsura.

Ang hindi nagbago?

Ang pagiging gago nila.

"Yena ano ba tumigil ka na nga kakalaro jan!" sigaw ng isang blonde haired girl. Si Yuri ito, ang kasintahan ni Yena.

Sila nalang ang naiwan sa boarding house na tinitirhan ni Wonyoung. Dito kasi sila tumatambay na magbarkada. Madalas sila magsleepover dito eh.

"Mamaya na, tapusin ko lang tong level na to—"

"Yena naman eh! Puro ka nalang laro! Bagsak ka na nga sa halos lahat ng subjects mo! Puro tres, kwatro tas may singko ka pa! Ano ba, seryoso ka pa ba talaga sa pag-aaral mo?" Yuri suddenly exploded.

Hindi siya nagsalita pero seryosong seryoso ang mukha niya.

"Bat ba pinapakialaman moko sa paglalaro ko ha? Bakit ikaw ba yung bagsak? Ikaw ba yung magrerepeat ng year? Ikaw b—" her cheek reddened when her girlfriend slapped her.

Yena wasn't like this before.

She wasn't like this at all.

What the hell happened?

"Sabihin mo nga, may problema ba tayo? Sa pagkakaalam ko wala naman ah?" Yuri said between her sobs. "Sorry ha? Concerned lang kasi ako bilang GIRLFRIEND mo in case you forgot." she let out a bitter laugh.

"Ay? Gf mo pa pala ako? Sorry naitanong ko ha? Hindi ko na kasi maramdaman." Pinahid nito ang mga luhang umaagos.

"Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-alala sayo. You're failing every subject, Yena. What in the actual fuck is your problem? What happened? Sabay dapat tayong gagraduate ng college, remember?"

"..."

"Eto ako oh, willing makinig sayo. Kasi putangina, mahal kita!" Yena remained silent.

"I... Have never felt this useless before." Yuri said while crying.

"Yuri—"

"You know what? I'm leaving. Pakasaya ka jan sa laro mo." Naglakad siya paalis. Pero bago yun, humarap siya ulit kay Yena for the last time.

"Happy Anniversary by the way." And she walked out.



....



Ilang araw na ang nakalipas at hindi pa rin pinapansin ni Yuri si Yena. Sa tuwing nakikita niya ito ay agad siyang umaalis at nagtatago. Ayaw niya kasi talaga makita si Yena. Tsaka isa pa, binigyan niya ito ng oras para makapag-isip.

'Konting tiis pa self sasabihin niya problema niya sayo.'



.



Yuri's ignoring Yena for almost a week now. Walang texts, calls kahit sa groupchat nila hindi pa rin sila nagppansinan.

Bigla nalang hindi pumasok si Yena. Hindi nabahala si Yuri at first.

Pero mag-iisang buwan na siyang wala. Kaya ngayon hindi na siya mapakali.

Nalaman niya nalang na failed na talaga si Yena at kailangan umulit ng year.

Doon gumuho ang mundo niya.


.



Natapos ang klase niya na wala siyang naintindihan. Hindi siya natulog or what. She's just there, sitting while her thoughts are flying everywhere.

Buti nalang at uwian na.

Kaya agad siyang tumayo, kinuha ang mga gamit niya, at dali-daling tumakbo papalabas.

Nadaanan niya sila Sakura at Eunbi na nagtatalo sa labas pero wala muna daw siyang time para sa chismis. Basta ang priority niya, si Yena.

She wants to talk to Yena.



She needs to.



She has to.


......



Nasa isang baywalk si Yena ngayon at nakatunganga lang siya sa kawalan. Walang imik at parang nag-iisip. Kinakabahan siya dahil sa mahigit isang buwan, makikita na niya naman si Yuri.

She actually sent a text message and now she's waiting for her.

"Ang sentimental naman Ms. Choi." biglang sabi ng isang babae. Boses pa lang alam niya na kung sino.

Yena felt someone sitting beside her. Hindi rin ito nagsalita. Nakatutok lang sa dagat.

"I deadass don't know what to say," sambit ni Yena na hindi pa rin tumitingin sa katabi. "Dami ko nang kasalanan sayo eh hahahaha."

Yuri remained silent. Hinihintay lang niyang magpatuloy sa pagsasalita ang kasama niya.

"Look I— I'm sorry. I really am." Finally humarap na si Yena sa katabi niya. "Ayaw ko kasing magkwento sayo. Nakikita kong seryoso ka na sa pag-aaral eh. Hindi noong high school tayo, lagi ka lang tulog diba? Ngayon eto ka na hahahahaha."

"Yena iniisip mo talagang istorbo ka sakin?"

"Hindi naman sa ganun—"

"Puta girlfriend kita syempre makikinig ako sa mga problema mo! We're in this together okay? Walang iwanan tangina mo." Seryoso na sana si Yuri kaso medyo natawa siya sa last part kaya natawa nalang rin si Yena.

"Kaya nga I'm sorry. Narealize ko ang pagkakamali ko nung sinigawan moko sa bahay ni Wonyoung." Bigla siyang kumuha ng isang can ng beer sa plastic bag sa tabi niya at binuksan ito. "Taena nakakahiya pa rin talaga, nagsisipag gf ko para sa future namin huhu— aray ko naman!"

"Gago iiwanan talaga kita pag ako lang ang magbabayad sa kasal natin." Kinurot pa rin ni Yuri ang pisngi ni Yena. "Oo na oo na aray ko masakit bitaw na!"

"Pahingi rin ako ng beer." Sabi ni Yuri at binigyan rin naman siya.

"Hindi ko rin inexpect na maadik ako sa video games."

"What do you mean?"

"Sa bahay kasi, hindi ako makakapagfocus sa pag-aaral. Lagi silang maingay dahil laging nagtatalo." Yena took a sip from her beer and continued, "So yeah, I play games to distract myself from all the shit that's happening in our house. Lalo na't nalaman kong magddivorce na pala sila at nagtatalo kung kanino ako mapupunta. Tangina lang as if sasama ako sa kanila hahahaha!"

"Tapos ayun hindi ko na pala namalayan na nababalewala na pala kita pati ang pag-aaral ko." Yena faced her girlfriend and held her hands. "I'm really really sorry. Hayaan mo babawi ako."

colour | annyeongz [completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu