•13

803 44 7
                                    

Nagsimula ang afternoon class nang matiwasay. Si Wonyoung naman gustong kausapin ang kaharap niya. Pero si Yujin iniisip pa rin ang text message sa kaniya ni Jiyoong.



Hindi niya alam pero kinakabahan siya.



"Good afternoon ma'am. May I excuse Ms. Jang? May pag-uusapan lang po sana." Tanong ni Chaeyeon. Ang student council president.



"Sige Ms. Jang you may go outside." sabi ng teacher.



"Yes ma'am." Tumayo naman agad si Wonyoung at lumabas. Tinapunan niya muna ng tingin si Yujin bago tuluyang lumabas ng classroom.



Hindi naman maintindihan ni Wonyoung bakit siya tinawag ng student council president. Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang ginawang masama?



'Lagot baka nalaman niyang nagcutting classes kami!'



'Pero kung alam niya, dapat kami ni Yujin ang tinawag niya. Para san kaya to?'



Nasa field sila ngayon. Sa bleachers to ne exact. Naunang umupo si Chaeyeon at sinenyasan si Wonyoung na umupo sa tabi nito.



"Ms. Jang ready ka na ba para sa paparating na Intramurals?" Tanong ni Chaeyeon.



"Po? Para san?"



"Ay hindi mo pa alam? Akala ko binotohan niyo kung sino ang pambato sa classroom niyo?"



"B-boto? Hindi ko alam—"



'Baka yung araw na nagcutting classes kami! Ba't di ako sinabihan agad?'



"Naalala mo na?"



"Ah, o-opo hehehe."



"May eliminations next week. Kayo nalang ang hindi ko nasabihan nito. Pasensya niya."



"Nako ayos lang po!"



"Next month na kasi ito at siguradong magarbo ang celebration. Kaya dapat ayusin niyo ha?"



"Opo."



Wala nang nagawa si Wonyoung kundi ang umoo nalang.



"Wag ka mag-alala, sa eliminations mo rin naman makikilala partner mo."



.



Uwian na at hindi pa rin bumabalik si Wonyoung. Kaya kinuha nalang ni Yujin ang sarili niyang bag at naglakad papalabas.



'For sure hindi na naman yun sasabay sakin pag-uwi tss.'



Nasa gate na siya at nakita niya si Jiyoong na nakasandal sa sarili nitong kotse. Agaw pansin masyado ang itsura nito.



Walang pake si Jiyoong sa mga titig sa kaniya. Basta kailangan na niyang makausap si Yujin.



"Ano nang pag-uusapan natin, Jiyoong?"



Lumingon si Jiyoong sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses.



"Yujin."



May mga naririnig na silang mga nagbubulungan sa paligid nila.



"Jiyoong cut the shit already. What is it that you're going to tell me?"



"You need to go back to the mansion."



"That's it? I'm sorry but I'm not going back to that damned place. Bye." Akmang umalis ni Yujin pero pinigilan siya nito.



colour | annyeongz [completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz