•28•

779 37 38
                                    

"Eunbi ayoko na..."

"A-anong ayaw mo na?"

"Ayoko na. Hindi ko na kaya to."

Bigla nalang humikbi si Sakura. Hindi naman alam ni Eunbi ang gagawin.

"Sakura, malakas ka diba? Wag ka naman sumuko agad oh.." pakiusap niya.

"Eh kasi naman ehhh!!" Nagulat ito sa biglaang sigaw ng jowa.

"Bakit ko ba kinuha ang accountancy!? Putangina nakakaiyak ang hirap!" Nagwawala na ito habang umiiyak. Makikita mo rin ang dark circles sa mga mata nito at halatang sabog. Magulo na ng sobra ang buhok habang umiiyak.

Si Eunbi hindi nalang nagsalita at hinihimas ang likod ng jowa. Kahit nga rin siya naiiyak na sa buhay college nila.

"Huhuhuhuhuhu ayoko na talaga!" sigaw ng isang babae bigla nalang pumasok sa kwarto nila. May eyebags rin. Halata sa mukha niyang pagod na siya habang may hawak na pen at mga notebook.

"Oo nga pala magka-course ang dalawang to." Sambit ni Eunbi habang nakatingin kay Wonyoung na paiyak na. Second semester na kasi pero hirap na hirap na sila. Hindi nila lahat inakala na ganito pala talaga ang buhay college. Culture shock ika-nga.

"PUTANGINA!" suddenly Chaewon barged in, with a messy hair and uhmmm, haggard face. May dala itong malaking libro at isang bote ng alak. "GUSTO KO NA TUMIGIL SA PAG-AARAL!" napa-facepalm si Eunbi sa sigaw ni Chaewon.

"CAN I JUST SLEEP— OW!" lumitaw si Hitomi at binatukan ang kasintahan. With a stoic expression, she went towards Wonyoung who was just crying silently along with Sakura in a corner.

"Tch." Naglakad si Chaewon papuntang higaan at nagsalpak ng earphones sabay basa sa hawak niyang libro.

Napabuntong hininga si Eunbi at lumabas ng kwarto. Pakiramdam niya kasi maiiyak na rin siya kapag nagtagal pa siya doon. Kaya pumunta nalang siya sa comfort room dahil nakaramdam siya ng matinding tawag ng kalikasan.

"Ay jusko ka!" Gulat na sigaw niya.

Nakita niya si Chaeyeon na nakaupo sa gilid at nakasandal sa pader, subsob sa pagbabasa ng isang textbook. Buti sana kung isang textbook lang hawak niya, ang kaso katabi ni Chaeyeon na textbooks lima. Makakapal lahat.

Laking pasalamat ni Eunbi at tila hindi niya naistorbo ang isa kaya dahan dahan nalang siyang umatras at umakyat sa second floor kung saan may isa pang cr.

"Hyewon naman kasi! Hindi ka pa tapos sa pagkain mo jan? Yung plates mo madudumihan! Hoy— ano ba! Ayan tuloy natapunan na plate ko!" She heard Minjoo yelling from the guest room as she walked past by.

"Ako na gagawa sa plates mo wag mo lang ako pakialaman sa eating session ko."

"Anong—"

"I said what I said."

The voices Eunbi heard faded when she reached a door while hoping that there's no person inside. Fortunately, walang tao kaya nagamit niya ang comfort room nang matiwasay.

Sa kabilang banda, sina Yena at Yuri naman naglalaro ng mobile legends sa sala habang si Nako naman natutulog sa sofa. Mga pagod rin sa pag-aaral.

Well, maliban kay Yena.

Hindi naman kasi talaga siya nag-aaral.

Siguro minsan?

Lol hindi ko alam, tanungin niyo nalang si Yena. XD

"Love, tapos ka na mag-aral?" tanong ni Yuri na nakatutok pa rin sa phone niya.

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now