•12

867 51 29
                                    


"It has been such a long time since the last time I saw that kind of smile of hers." sabi ni Jiyoong habang naglalakad papunta sa sasakyan. He just smirked and drove off.


.



"Shet ansarap mo talaga magluto Wonyo!" sabi ni Yujin at humigop ng sabaw sa mangkok na hawak niya.



Hindi naman obvious na nasasarapan talaga siya ano?



"Huy dahan dahan lang naman!"



"Pano yan eh masarap talaga huhuhuhu diba Jinjin?" Yujin asked Jinjin cutely. Hindi sumagot ang tuta kaya nagpatuloy nalang siya sa pagkain.



"Alam mo, simula nung hinanap mo si Jinjin noong nagpicnic tayo naging mabait ka na sa kaniya. Sana all," humigop siya ng sabaw sa bowl niya at nagsalita ulit. "Tapos parang dati lang lagi kang naiinis. Nakakunot yung noo mo lagi. Tapos halos magsalubong mga kilay mo. Ngayon para ka nang naging maamong aso. Well, maliban kanina hehehehe."



Natawa lang si Yujin sa sinabi ni Wonyoung.



"Maganda pa rin naman ako kahit papano."



"Wow kapal ha HAHAHAHAHAHA!"



"Grabe to, dami kayang may crush sakin!"



'Alam ko. Pati nga ako may crush sayo eh hihi.'



"Oo nga, dami mo fans. Awayin ko kaya sila?"




"Ansama mo HAHAHAHAHA!"



Wonyoung mentally hi-fived herself. Kasi magaling siya magtago ng feelings kahit papaano. Ayaw niya rin naman kasi sirain ang friendship nilang dalawa. Okay na raw kasi siya sa pasulyap-sulyap. Tsaka lagi niya itong nakikita mula paggising hanggang sa pagtulog. Pakiramdam niya tuloy answerte swerte niya. Basta makikita niyang laging masaya si Yujin, ayos na ayos na talaga sa kaniya.



Si Yujin naman, halos ipagsigawan na niya sa lahat na gusto niyang ipagdamot ang babaeng kaharap niya ngayon kaso hindi pwede. She really find Wonyoung extremely precious. Too precious for this world, and for her. Inaamin niya na rin naman sa sarili niya na may gusto na siya rito. Lumalala na nga kada oras. She really loves Wonyoung's smile, laughter— osige everything about her na nga lang. Ikaw kaya makatagpo ng giant baby sa buhay mo, pano ka hindi mahuhulog?



Nagsisisi tuloy si Yujin kung bakit nagawa niyang sigawan si Wonyoung. Naisip niyang deserve niya rin palang masapak ni Wonyoung.



"Lutang ka na naman jan. Ay ay ay, may iniisip uyyy~ Nakangiti uyyy~" asar ni Wonyoung.



"Sira ka talaga. Naisip ko lang crush ko ano ka ba."



Biglang nawala ang pang-asar na ngiti ni Wonyoung at naging pilit.



'Awtsu masaket paden pala. Wonyoung actress mode on!'



"Uy sino yan ha pakilala mo naman sakin HAHAHAHA."



"Bakit aagawin mo?" tanong ni Yujin.



"Hmmm," kunwaring pag-iisip ni Wonyoung.



"Aba wag! Gusto ko pang ipagdamot yun!"



"Edi wag! Iyo na! May crush rin naman ako no!" proud na proud na sabi ni Wonyoung.



Tulad ni Wonyoung, naging pilit na rin ang mga ngiti ni Yujin.



"Maganda ba?"



"Oo!"



"Mabait?"



"Madalas."



"Matalino?"



"Oo! Super!"



"Parang ako ba?"



"Anong parang eh ikaw naman talaga—" napatikom agad siya ng bibig. Biglang bumilis tibok ng puso niya dahil sa kaba. Jusme lagot na!



'Napakatanga self!'



"Anong sabi mo?" si Yujin naman, nagpipigil nang tumawa. Sinong tangang hindi magegets agad ang sinabi niya diba?



"W-wala. Matutulog na ako. Goodnight." tumayo si Wonyoung at iniwan ang mga plato sa mesa.



Nakita ni Yujin kung pano ito mamula kaya lalo siyang napangisi.



"Putangina Yujin kumalma ka hindi ka pa pwedeng magsaya bwisit."



Napakagat labi nalang talaga siya dahil hindi niya mapigilan ang mga labi niya. Ngumingiti talaga ito.



"Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa paghugas ng plato." sabi niya sa sarili.



.



"Wonyo sabay tayo—"



"Sorry may usapan kami ni Tomi bye!" tila nagmamadali si Wonyoung na lumabas ng classroom.



One week na kasi ang nakalipas ay hindi na muling bumalik si Jiyoong at iniiwasan talaga ni Wonyoung si Yujin. Kahit sa apartment ay wala na si Wonyoung pagkagising ni Yujin. Ang nakita niya nalang ay pagkain pero walang sticky note. Kahit sa school iniiwasan na rin siya. Kung dati si Wonyoung ang laging sumusunod sa kaniya, ngayon ay siya naman ang laging sumusunod. Naging baliktad na.



"Yujin kalmahan lang natin ha? Hayaan mo nalang muna yung tao," pagsasalita ni Yuri.



"Hoy Ahn, yung worksheet mo akin na iccheck ko." biglang lumapit si Chaewon sa kaniya.



"Kim, pakisabihan mo nga yung jowa mong hapon na wag masyadong ilayo si Wonyo sakin ayos ba?" sabi ni Yujin na para bang nagbabanta. Hawak nila dalawa ang worksheet pero hindi parin pinuputol ni Yujin ang tingin niya kay Chaewon.



"A-ah ganun ba? Sige sabihan ko mamaya hehe," takot niyang sabi at umupo na.



Wala na ring nagawa si Yujin kundi ang mag mukmok at matulog nalang.



.



"Tomi naman kasi! Nahihiya pa rin talaga ako sa kaniya!"



"Wonyoung, wala na nadulas ka na. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ang pag-iwas ang sagot! Umamin ka na!"



"Alam niya naman eh! Ano pang sen—"



"Yung mas maayos na confession kasi!" pagputol ni Hitomi sa sasabihin ni Wonyoung.



"Hindi niya naman kasi ako gusto Tomi eh!" pagmamaktol ni Wonyoung na parang bata.



"Just confess. Please Wonyoung. Be brave girl! Gusto ka man niya o hindi umamin ka na! Bago pa mahuli ang lahat sige ka."



"T-talaga?"



"Oo! Muntik na nga mahuli ang lahat para sakin eh. Kaya wag kang matulad sakin! Go go go! Support kita." After hearing Hitomi's words, Wonyoung felt encouraged.



"Sige. Aamin na talaga ako! Fighting! Thanks Tomi the best ka talaga!" Binigyan ni Wonyoung si Hitomi ng isang mahigpit na yakap. Yumakap naman si Hitomi pabalik.



"Fighting!" sigaw nilang dalawa.



.



Inip na inip na talaga si Yujin. Miss na daw niya kasi talaga si Wonyoung. Wala si Yena kasi nilagnat kaya wala siyang makausap tapos si Yuri tulog na naman. Naglaro nalang siya ng games sa cellphone niya. Kaso, biglang nagtext si Jiyoong sa kaniya.



Jiyoong:
I'll be waiting for you outside your school. We really need to talk. I hope it's only the two of us this time, Yujin.



"Importante talaga siguro tong sasabihin ng isang to hays."

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now