Pagkatapos kong ibigay ang folders kay Christine ay dumiretso ako kay Jaiza na kumakain ng cupcake. Nang makita niya ako ay inabot niya sa akin ang box na laman pang cupcakes kaya umiling ako.

"Ah manghihiram sana ako ng ilang notes." Uminom muna siya ng dutchmilk bago sumagot.

"Nandito sa phone lahat. As in lahat lahat." Nanlaki ang mga mata ko ng mabulunan sina Hope at Cecille na kumakain din ng cupcake. Inabutan sila ng dutchmilk ni Jaiza na ngayon ay tumatawa na.

"Sorry Lhouiza, mga salaula talaga ang mga to." Humarap siya ulit sa dalawa. "Linisin niyo yang mga nagkalat na icing sa sahig bahala kayo dyan." Naghahampasan na sila dun kaya umupo na'ko sa pwesto ko.

I turned on the phone that she gaved me. Walang password kaya naopen ko kaagad. Mukhang hindi na pinindot ni Jaiza ang home at dineretso off niya na ang phone niya kanina dahil dumiretso kaagad iyon sa mga pictures na kailangang ireview.

After I share it all the photos that we need to review, I press the home and stopped when I saw the homescreen. Nasa classroom ako at nakangiti. Di ko na maalala kung kailan to. Bakit ako ang homescreen ni Jaiza?

Pumunta ako ulit sa gallery at may album dun na puro stolen at epic pictures ng bawat isa sa classroom, maliban sa akin. I stifled a smile when I saw each one's funny pictures. Pati mga teachers namin di nila pinalagpas. Tsk tsk, grabe ka Jaiza.

Bakit wala dito yung picture ko na nasa homescreen eh stolen din naman yun? Tiningnan ko ang ibang album. Wala naman sigurong pinagbabawal dito no? May album na puro pictures ng langit, bulaklak, butterfly at raindrop na nasa bintana. Di ko alam na magaling pa lang magpicture si Jaiza. Akala ko puro kain at arte lang ang alam niya. I scrolled until I found the last album.

Puro pictures ko na yun. Ganoon ba karami ang epics ko para gawan niya ko ng sariling album? Tingin ko tuloy binabantayan nila ako dito sa classroom. Maiinis na sana ako ng mapansing wala akong kahit na anong nakakatawa o pangit na picture dito. Actually lahat yun puro nakangiti, tumatawa, seryoso lang at tulog? Teka, ito yung time na nakatulog ako sa byahe papunta kina Nathalie. Pero di ko naman katabi si Jaiza nun. Andun din yung time na nagpaparactice kami sa pagrarampa ni Harrison. Pero wala din si Jaiza nun dahil bawal sila manood. My forehead creased. Hindi kaya...

I pressed the home button and closed the apps I used. Pagkatapos ay ibabalik ko na sana ang phone kay Jaiza kaso ay wala na sila sa classroom.

"Lowesha, shino hinahanap mo?" Tanong ni Kirby habang ngumunguya ng burger. Kasunod niyang pumasok ay si Redge na umiinom ng tubig.

"Si Jaiza. Nakita niyo ba siya?" Nilunok muna ni Kirby ang kinakain bago sumagot.

"Nakasalubong namin kanina sa caf. Bakit? Papunta ka rin ba doon? Samahan ka na namin." Akmang lalabas na ulit siya ng pigilan ko siya. Sakto din namang pumasok si Harrison na kumakain ng chips. Napahinto siya ng makita kami roon at sinundan ng tingin ang kamay kong hawak ang braso ni Kirby. Teka nga, bakit ba ang daming pagkain ngayon?

Napa-ubo si Redge kaya binalik ko ang tingin kay Kirby na ngayon ay napapalunok na at mukhang nababahala.  "Okay ka lang?" I asked him.

Tiningnan niya ang kamay ko na parang may gustong sabihin. Ay, nakalimutan ko. Agad ko itong binitawan. "Di ako pupuntang caf, isasauli ko lang sana to kay Jaiza." Pinakita ko sa kanila ang phone. At ngayon ay si Harrison naman ang nabulunan.

Ano bang meron sa araw na'to??

"Kami na magsasauli." Nabigla ako ng agad na inagaw ni Redge yun. "Anong ginawa mo dito sa phone niya?" Maingat na tanong niya.

"Nagpapasa ng irereview."

"Yun lang? Wala ka ng ibang nakita?" Si Kirby.

"May iba pa ba dapat akong makita?" Lah, baka naman may pinagbabawal talaga dun sa phone niya. But knowing Jaiza, hindi rin.

"Ang weird niyo. Phone ni Jaiza yan, ba't parang kayo yung bothered?" They just looked at each other kaya lumabas na lang ako ng classroom. Kailangan ko marefresh sandali ang utak ko bago magreview kaya gusto ko munang pumunta sa rooftop habang free time pa.

"Hi Lhouiza!" Daniel and Kent greeted me when they saw me walking in the hallway. I just nodded as a response.

"Bro, kumpleto ba copies mo?" Rinig kong tanong ni Kent kay Daniel.

"Hindi rin eh, si Tim paniguradong kumpleto yun lalo na't inuuto nun ni Sir Dennis. Parang si Jaiza ata last na may hawak nung phone niya eh." I stopped walking when I heard Daniel's response to Kent. Yung phone... Shet. Shet. Shetttt!

"Eh about dun sa inyo ni Sammy? We already knew that she likes you so much but now, parang may mali. What happened?" I walked slowly para marinig ang usapan nila.

"I.. I like her too actually, and I'm ready to confess my feelings. Kaso nung huling hinatid ko siya sa bahay nila, her dad talked to me. He said that he knew my intention towards her daughter. Sabi niya huwag na huwag ko daw ligawan si Sammy hangga't di pa kami nakakapagtapos ng pag-aaral." Sadness is evident in his voice.

"Oohh. Well at least he didn't said that he don't like you for her daughter." Kent patted his shoulder.

"Pero iniiwasan naman ako ni Sam. She thought that I doesn't have feelings for her. Baka iniisip niyang pinapaasa ko lang siya because of  how I act."

Unti unti na silang nakakalayo kaya pahina ng pahina din ang boses nila. Yun pala yung reason kaya sila nagkaganun. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napahinto ulit nang makita ko sila Jaiza. Tila muling bumigat ang pakiramdam ko nang maalala kung kaninong phone yung ginamit ko kanina. Dapat naisip ko nang hindi kay Jaiza yun dahil di naman yun color pink, walang glitters o kung ano ano pang kaartehan.

"Kumusta Lhouiza?" Bati nila na may malaking ngiti.

"Tapos mo na tingnan yung mga pictures?" Si Cecille.

"Anong picture?" I quickly answered.

"Yung mga dapat ireview. Ano pa bang dapat mong tingnan sa phone?"

"W-wala. Na kay Redge yung p-phone." Iniwasan kong tingnan sila.

"Why stuttering?" Si Hope.

"Why blushing?" Si Cecille.

"Why can't you look at our eyes?" Si Jaiza.

"Ewan ko sa inyo." Nilampasan ko sila and I heard them giggled.

"The best talagang evidence ang kuha ng camera hahahaha!" Huling rinig ko kay Cecille na tumatak sa akin. May biglang ideyang pumasok sa isip ko. Bakit di ko naisip to noon?

Paakyat na sana ako sa hagdan papuntang rooftop nang mahagip ng paningin ko sina Terry at Sammy. Muli kong binalik ang paningin sa hagdan at nagpatuloy sa paghakbang. Nasa pangatlong hakbang na ako nang umiral na naman ang pagiging pakialamera ko.

Ughh! I already told myself to stop meddling other's business but why can't I help it?!

Pumunta pa rin ako sa rooftop, pero this time may mga kasama na ako.

......

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now