" Gray. " 

Napabalik ako sa ulirat ko ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa harap ko. Hindi ko mabasa 'yung mga tingin niya sa akin. Hindi ko rin natagalang tumitig sa mga mata niya ako na mismo ang pumatid dito't tumayo para mabawi ko 'yung nawala kong sarili mula sa pagkakatitig sa kanya. 

Kinuha ko 'yung librong hinihiram niya. Inihanda ko na kasi talaga iyon.

" Heto pala y...yung hi...hinihiram mo. Pagpasensyahan mo n...na, medyo ma...madumi kasi eh. Pero maayos pa 'yan. Hindi k...ko 'y...yan masyadong na...nagamit. " nauutal kong sabi.

" Salamat. " walang buhay niyang sagot.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin. Walang gustong magsalita. Walang gustong bumasag ng nakakabinging katahimikang namamayani sa pagitan naming dalawa. 

" Gray/Reggo." 

" Sige, ikaw muna. " sabi ko.

" Hindi. Ikaw muna. " tugon naman niya. 

" Hindi. Ano, ok lang talaga. Wala lang 'yung sasabihin ko. Ikaw na muna. " pagpapalusot ko. 

Bumuntong hininga muna siya bago ako tingnan. Tiningnan niya lang ako. Wala siyang ginagawa pero napapakaba niya ako ng ganito. Para niya akong hinipnotismo ng mga oras na 'yun dahil kahit anong gawin ko, hindi ko magawang maalis 'yung mga tingin ko sa kanya. 

" Nakita kita. Nakita ko kayo doon sa CR ng A.S. Sa 5th floor.. Nakita kitang nakikipag-MOMOL. " walang buhay niyang sabi. 

Halos atakihin ako sa puso ng marinig ko 'yun mula sa kanya. Pakiramdam ko lalong natunaw 'yung pag-asa kong maibalik kahit man lang pagkakaibigan naming dalawa. Ang bobo mo kasi Gray eh! 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now