Chapter 47

143K 6K 2.3K
                                    

I looked at L who has a serious expression on his face. Nakatingin sya kay Enki na nasa labas. Wala akong nakikitang takot sa mga mata nya habang may nakatutok na baril sa direksyon nya.

He casually opened the glove compartment and picked up his gun. Pagkatapos ay tumingin sya sa akin. Nakuha ko naman agad ang gusto nyang sabihin. He opened the door at his side and went out of the car. Sumunod akong bumaba ng sasakyan.

"Bring me back my Queen!" ulit na sabi ni Enki na seryoso ang mga mata.

I am nervous but I tried to control my emotions. Sa itsura kasi ni Enki ay mukhang hindi sya magdadalawang isip na barilin si L kung hindi namin ilalabas ang Queen.

Bakit ba sa amin nya hinanap ang Queen nya? Sya ang palaging kasama pero sa amin sya maghahanap? And he knew that the last person who's with the Queen is Fourth! Kaya kay Fourth nya dapat hanapin at hindi sa amin!

Where is the Mad Queen anyway?

"Bring us back our Rook first." L said calmly while pointing his gun to Enki. But there's a danger in his voice.

I flinched when Enki shoots the ground where L was standing. Ni hindi ako nakatili sa sobrang gulat! Malapit na malapit sa mga paa ni L ang pagkakabaril nya. But L didn't even move a muscle. He's really trained for this!

Samantalang ako ay kulang na kulang. Kaya siguro hindi ako kailanman iniligay sa aktwal na mission. I was always on their back, guiding my team throughout the mission.

Sa itsura ni Enki ngayon ay mukhang desperado na syang mahanap ang Queen namin. Ilang araw na ba simula nang magpunta kami sa hideout ng Red Faction at iwan ang Queen kay Fourth? So I understand why Enki is acting this way. Ngayon lang sya nalayo ng ganitong katagal sa Queen na wala man lang yatang balita sa kung ano nang nangyayari sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro!" Enki hissed. Galit na ang itsura nya ngayon. "Bring the Queen back to me!"

"Shit, Enki! You're too obsess with her!" hindi ko na napigilan ang sumabat.

Enki pointed his gun at me. But L was quick and guarded me with his body.

"Shut up, traitor!" I heard Enki said. Gumalaw ako para makita ko pa rin sya.

Nagulat ako nang makita si Archer na nasa likuran na ni Enki habang nakatutok ang baril sa lalaki. He's fast! He touched the end of the barrel at the back of Enki's head. Pero hindi ko nakitaan ng anumang pagbabago ang mukha ni Enki.

"C'mon, bro." Archer said. "Friends na tayo diba? Put down your gun, nice and slow."

But Enki remained unmoving. Nakatutok pa rin ang baril nya sa amin ni L at galit na nakatingin sa amin. He looked really, really mad. Pero para sa akin ay mukha syang bata na inagawan ng laruan.

"I don't wanna do this, bro." Archer's voice is serious now. "I don't want to go against the plan. Pero kapag may sinaktan ka sa kanila, sasabog ang utak mo palabas ng bungo mo."

Nagulat ako sa paraan nang pagbabanta ni Archer. I saw him as the group's joker. Pinapagaan nya ang seryosong sitwasyon. Just like what he did at the rooftop when they abducted me. Para sa akin, nakakakaba ang sitwasyon na iyon. Three of EL Ordre's men came for me. Pero nagbiro si Archer kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko noon.

But he also knows when to be serious. Just like what he did to me. Noong sinabi nya sa akin ang lahat ng mga kasalanan ko para kunsensyahin ako.

And now, this.

Napakapit ako braso ni L na nakaharang sa akin para protektahan ako. I noticed Enki's finger is slowly pulling the trigger. Ganoon din si L. Walang kahit na sino sa kanila ang gustong magbaba ng baril. Kahit si Enki. Kahit na sya ang pinaka-dehado sa lahat.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasWhere stories live. Discover now