Chapter 46

142K 5.4K 700
                                    

I looked at the door when I heard it clicked open. I automatically smiled when I saw that it was L. Tipid syang ngumiti sa akin at pumasok sa loob.

I had fun when we were having our dinner. Nagising kasi ang kambal na anak nina Artemis at Hunter so they had to carry them dahil ayaw nang nakahiga lang. The twins looked so cute! Nakita ko ang asul nilang mga mata na nakuha nila sa nanay nila. And they really looked like their father!

But I got worried when I thought that Tracer will pass down his position as the EL Ordre's Rook to one of the twins someday. But L explained everything to me. Na hindi na isang chess piece si Tracer since Fourth vouch for his freedom.

Hindi ko maiwasan ang mainggit. I know that it's unfortunate for all of us chess pieces to be a part in this bloody game. But they're lucky with their team. They had a choice to be free since their King is considerate. A higher piece is willing to vouch for their freedom.

Sa amin kasi, wala kaming choice. We must play the game until the end. No one has a choice to choose from. Hindi kami pwedeng maging malaya sa laro.

Napaisip ako. If Fourth is willing to free them, then why are they still part of the game? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis si L? O si Archer? Even Lucius is willing to free him since he's a higher rank too. Pero hindi sila umaalis.

At kahit na hindi na parte ng laro sina Tracer at Kier, tumutulong pa rin sila.

Doon ko naisip na malalim ang samahan nila. That they just don't see each other as a team members. They see each other as a family members instead.

I hope... that I was part of their team too. Baka sakaling hindi ako nakagawa ng ganitong kasamang mga bagay. Hindi sana nadamay ang mga nadamay. Baka hindi ko sana kinamuhian ang sarili ko.

Sinundan ko ng tingin si L hanggang sa makaupo sya sa tabi ko dito sa kama. Umusog ako palapit sa kanya at ipinatong ang baba ko sa may balikat nya. I could smell his sweet and fresh breath na parang kay tagal na simula nang huli kong maamoy.

"I want to see my father." ang malambing kong sabi sa kanya.

I haven't seen him ever since the EL Ordre took me to their hideout. But they are assuring me that my father is safe.

Dapat lang 'no?! Kinidnap-kidnap nila ako tapos hindi nila poprotektahan ang Papa ko?!

I miss him already. I miss his overprotectiveness. I miss him being paranoid for my safety. I miss him.

Kung sana ay naging kuntento na lang ako sa pag-aalaga nya at hindi na sinubukang alamin ang tungkol sa totoo kong ama ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.

But it's inevitable. Since I am his daughter. Tama lang naman siguro na ginusto kong alamin ang tungkol sa totoo kong ama. And if I didn't do that, then I wouldn't have met L.

"Not with your look right now." L said.

Napanguso ako. Sabagay. Baka atakihin pa sa puso si Papa kapag nakita akong punong-puno ng mga sugat ang katawan.

Pwede ko namang takpan at idaan sa pananamit. Pero masakit pa rin ang malalim na sugat sa hita ko. At kung papansinin ay makikita nila na paika-ika akong maglakad.

"You shouldn't have done that." he said. He caressed the small bandage on my arm. His touch feels so rough. "Don't hurt yourself again."

"Baka kasi makahalata sila." bulong ko habang pinapanood ang masuyo nyang paghaplos sa bandage sa mga sugat ko.

Pero nawalan din naman ng kwenta ang pananakit ko sa sarili ko dahil nakahalata pa rin ang Queen. Pero syempre, di ko na iyon babanggitin kay L. Baka pagalitan pa ako.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasWhere stories live. Discover now