Chapter 23

139K 5.1K 1.1K
                                    

L's eyes looked murderous as he stared at Enki. Bigla akong kinabahan. I've seen this eyes so many times from my teammates sa Red Faction. Iyon ay kapag handa na silang pumatay. And L looks like he will do it. He will kill Enki if he's provoked. Si Enki naman ay walang emosyon ang mga mata habang nakatingin kay L.

Tinignan ako ni Enki kaya sinamaan ko sya ng tingin. The air feels so heavy right now because of him. Kung hindi ba naman sya pumunta dito para sunduin ako ay hindi naman mangyayari ito! And he only give me one hour to prepare! Not enough para makalusot ako kay L!

"Let's go, Codee." Enki said. He looked and walked towards me.

I saw L clenched his jaw and his hands were balled into a fist. Natakot ako! Kaya naman mabilis akong lumapit kay Enki para gumitna sa kanilang dalawa pero parang mas nagalit pa yata si L!

"Codee." he called my name using his warning tone. Napatigil ako sa paglapit kay Enki at hinarap sya.

I gulped when I saw how dark his eyes were. Mas lalo pa yatang naging itim ang kulay ng mga mata nya. He looked scary. Mukhang pinipigilan nya lang ang galit nya na umalpas.

Hindi ko tuloy alam kung lalapit ako o ano. I'm sure na kapag itinuloy ko ang paglapit kay Enki ay magagalit na talaga sya. But I'm having a second thoughts to walked towards L. Ngayon ko lang kasi sya nakita na galit ang mga mata. I always see him in his lazy state kaya bago sa paningin ko ito.

He's still suppressing his anger. Gumagalaw ang panga nya sa pagtatangis ng mga bagang. Ang mga ugat nya sa braso ay nagpapakita dahil sa higpit ng pagkakakuyom nya sa mga palad nya.

He looked hot... But scary.

I gotta do something. Kapag hindi ako nagsalita at matatakot lang sa kanya ay walang mangyayari!

"L..." nanginig pa ang boses ko sa pagbanggit sa pangalan nya! Shit lang! "Si Pierre nga pala." I decided to introduce them instead. "Pierre, si L."

I stopped. Hindi ko alam kung paano ko ipakikilala si L. I want to say that he's my boyfriend pero masyado ng personal ang information na iyon. Ayokong malaman ni Enki ang lahat sa buhay ko.

Pero bago pa ako makapagsalita, Enki beat me to it.

"You're the bodyguard? Ako na ang maghahatid kay Codee." nagulat na lang ako nang inakbayan nya ako. "I'll take care of her."

L looked at Enki's arm on my shoulders. Mas lalong dumoble ang galit sa mga mata nya. Parang handa syang baliin ang mga braso ni Enki. He took a step forward. Kinabahan ako kaya kusa kong inalis ang braso ni Enki sa balikat ko.

"L..." lumapit ako sa kanya at inilapat ang nga kamay ko sa dibdib nya. I felt his broad chest. Parang ang sarap haplusin pero inalala ko ang sitwasyon namin ngayon. "Si Pierre na muna ang maghahatid sa akin ngayon. Just for today. We have something to talk to."

"You're just a bodyguard. Just do what she says." Pagsingit ni Enki. Sinamaan ko sya ng tingin pero saglit lang dahil alam kong mas nagalit si L.

I was right. L looked at me. Anger is still in his eyes. Nakikiusap ang mga mata ko sa kanya. Hoping that he'll let me go with Enki without causing any ruckus.

Pero habang nakatingin ako sa mga mata nya ay nasasaktan ako. I don't want him to get mad at me. Mas gusto ko pa sya noon na kahit hindi rin nagsasalita at tamad ang tingin, at least, hindi sya galit sa akin.

"Let's go, Codee. We're gonna be late." said Enki. Gusto ko na lang syang murahin dahil alam kong ang Queen na naman ang inaalala nya. Pero hindi ko na lang sya pinansin.

"I'll be back." I told L. "Ngayon lang talaga 'to."

Hinintay kong may sabihin sya pero hindi talaga sya nagsalita. Galit pa rin syang nakatingin sa akin. Kahit na nang tumalikod ako, kahit na nang makalabas ako ng gate at kahit na nang makasakay ako sa kotse ni Enki ay wala akong narinig na anuman kay L.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasWhere stories live. Discover now