Chapter 25

143K 5K 1.4K
                                    

My hands that were hidden at my back trembled by the Queen's words. Ikinuyom ko ang mga palad ko para sana mapigilan iyon. I know that Yucca could see my trembling hands. I must've look so pathetic in her eyes right now.

Nilunok ko ang pagbabara sa lalamunan ko at taas noong tumingin sa Queen. She's smiling but I can see the challenge in her eyes. Sinusubukan nya kung susundin ko ang sinabi nya o susuwayin ko sya sa pangatlong pagkakataon.

Tama ako. I know that I wouldn't like the punishment that she gave me. Kailan ba may ginawa ang Queen na nagustuhan ko? And I can't do anything but to obey. 'Cause I'm just a Knight.

"There's a rule that we mustn't involved innocent people in this game, Your Majesty." I said, controlling my voice. Hindi ko dapat ipakita kung gaano ako naapektuhan sa sinabi nya kanina.

The Queen waved her hand like she's dismissing the topic. "Oh, please. We don't really care about that rule."

"Your Majesty... The gamemasters gave us a punishment when we broke that rule before. The game is near at its end. Hindi na tayo pwedeng malagasan ulit ng mga myembro."

Tumahimik ang Queen at parang nag iisip. Kabang-kaba ako habang naghihintay ako ng mga sasabihin nya. I'm hoping that she'll take back what she said earlier.

We already broke the rule before. The Rook asked me to hack the information of the former members of the last Human Chess game to which I did. Nalaman namin ang katauhan ng mga former Rooks ng EL Ordre. And our Rook used that info to kill them. He spared their children, dahil ayon sa kanya ay hindi sya matutuwa kung papatayin nya ang batang walang kalaban-laban.

I am guilty. Kung hindi ko sinunod ang utos nya, walang madadamay na mga inosente. The EL Ordre's former Rooks' children became an orphan. Nawalan sila ng mga magulang sa murang edad pa lang.

Pakiramdam ko ay mas masakit pa ang nangyari sa kanila kaysa sa akin na hindi nakilala ang totoong mga magulang. They grew up with their parents. They had a time together. Kaya mas masakit ang pagkamatay nila dahil ang mga masasayang alaalang mayroon sila ay magiging masakit dahil sa pagkamatay ng mga magulang nila.

That's why I pitied the EL Ordre's Rooks. Lalo pa na hawak namin ang isa sa kanila ngayon.

"You're right." the Queen muttered but she looked like she's talking to herself.

Nakahinga ako ng maluwag. Iilan na lang kaming myembro ng Red Faction ang natirira. Samantalang sa kabila ay ang Rook pa lang ang nawala sa kanila. Hindi na hahayaan ng Queen na malagasan pa kami hangga't hindi pa maayos ang kalagayan ng King.

"Ah!" she suddenly exclaimed. "But the gamemasters said that we can kill your man. They gave us permission. You don't have to worry about anything, Alter."

Kulang pa ang sabihin na nagulat ako dahil sa sinabi nya. My mind can't even process her words. Hirap na hirap akong itago ang pagkagulat sa mukha ko.

"What?" I asked, almost whispering the word.

The Queen smiled. "We won't break any rule if you kill your man since the gamemasters permitted it. Hindi tayo malalagasan ng members. You are free to kill him, Alter."

My heart hammered. Halos masuka ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Ang daming tanong na tumatakbo ngayon sa isip ko.

Why did the gamemasters gave permission to kill L? Ang akala ko ba ay hindi na kami pwedeng mandamay pa ng mga inosenteng tao? Pero bakit pumayag sila? Why?! Dahil ba pinatay ni L ang Pawn namin? Pero sya ang nauna! Enki ordered Pascal to kill L and he just defended himself! I know na kung hindi namin pipigilan si L noon ay masusundan nya kami sa hideout kaya inutos iyon ni Enki. Pero unfair pa rin 'cause L only protected himself!

Chess Pieces #3: Maximilian EliasWhere stories live. Discover now