Chapter 3

147K 5.7K 1K
                                    

Mainit ang ulo ko. I tried to clean the records of our fallen members profiles so that the enemies won't use it against us. But as I was cleaning their files, nagparamdam na naman sa akin ang tracker ng EL Ordre.

Sinubukan nyang kunin ang information mula sa system namin. Nakapasok sya pansamantala at nahirapan talaga akong paalisin sya. At hindi lang 'yon, nakuha nya pa ang information ng isang Rook and wiped it out in the system! Good thing ay limitado lang ang pwede nyang makuha at napaalis ko kaagad!

Just like what they did to our fallen Knight. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa amin kung paano sya namatay. Nabura ang record nya sa system namin. Means that he's already dead. But I can't find anything about how he died.

At tama ako. Mukhang ang tracker nga ang magiging katapat ko. Kaya nyang pantayan ang hacking skills ko na wala pang ibang nakagagawa.

I let out a frustrated sigh. Mainit talaga ang ulo ko kanina pa. Hindi ko na kasi talaga kayang pagtyagaan ang lollipop na binili ko. Sinubukan kong bumili sa grocery store na malapit sa amin pero wala pa rin sila nung brand na gusto ko!

My lollipop! I can't work without it! Kahit isa lang sana. Ilang linggo ko nang hindi natitikman ang favorite lollipop brand ko!

I can't take it anymore. Lumabas ako ng workroom ko dito sa hideout at naisipang lumabas na para bumili ng lollipop. I'm craving for it at hindi talaga ako matatahimik kapag hindi ko natikman ang favorite sweets ko!

I hate food cravings. Ang hirap kasing iwasan. 'Yun bang nakakain naman ako at nabusog pero feeling ko ay hindi satisfied ang tyan ko sa ginawa kong pagkain. So I have no choice but to buy the food para makatulog ako ng mahimbing sa gabi.

I am willing to search all the convenience stores or grocery stores just to buy my lollipop. Kahit isa lang. Pampatanggal man lang sa init ng ulo ko at ng cravings ko.

I rode my car at ang una kong pinuntahan ay ang malapit na convenience store. And it must be my lucky day dahil agad akong nakakita sa display racks nila ng lollipop ko pero isa lang! My favorite brand and favorite flavor! Kinuha ko iyon at ipinakita sa cashier.

"Hi! May iba pa kayong stocks nito?" I asked while smiling. I can't wait to taste it!

"Ay, wala na po, Ma'am. Nag iisa na lang po, yan." the cashier answered but I remained my smile on my lips.

"Ayos lang. Sige, babayaran ko na." Kaysa naman wala.

She punched the item and I paid for it. Ngiting-ngiti akong lumabas ng convenience store na iyon at binubuksan ang wrapper ng lollipop habang papunta sa kotse ko.

It took forever before I finally removed the wrapper. I smiled and was about to put it inside my mouth when a man bumped into me.

Nabigla ako. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya nya. Hindi ko rin narinig ang mga paghakbang nya kaya hindi ko nagawang umiwas sa kanya.

Pero hindi iyon ang ikinagulat ko. Kundi ang nabitawan kong lollipop! I watched as it falls on the ground. Tumalbog pa ng ilang beses bago tuluyang huminto doon sa parteng mabuhangin pa talaga.

Hindi ako makasigaw. Nakatitig lang ako sa lollipop ko na punong puno na ng lupa. Wala nang pag asang masagip pa!

Ang lollipop ko! Nag iisa na nga lang pero ganito pa ang nangyari!

"I'm sorry." I heard a baritone voice said. It must be from the man who bumped into me.

I glared at him pero napahinto nang makita ko ang itsura nya. Napalunok pa ako at feeling ko ay tumigil ang mga nasa paligid.

The man has a deep black hair that was brushed upwards. May makakapal na kilay at matangos at perpektong ilong. Manipis ang mamula-mulang mga labi nya na parang hindi alam kung paano ngumiti. And his jaw was very define.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasWhere stories live. Discover now