Chapter 24

141K 5.4K 1K
                                    

We were both silent the whole drive back to my house. Hindi nagsasalita si L, na hindi naman na bago. Ang nagbago lang ay ang ekspresyon ng mukha nya. He looked angry. His knuckles were turning white as he gripped on the steering wheel. Gumagalaw pa ang panga nya tanda ng pag-iigting noon.

I am talkative. Very talkative. Pero alam ko din naman kung kailan dapat na tumahimik. And this is that time. Feeling ko na kapag nagsalita ako ay sa akin mababaling ang galit nya.

My hands were still trembling because of what happened. Sanay akong makakita ng mga ganoong eksena kapag may mission ang Red Faction. I was their eye, their guide. Nakikita ko ang lahat ng mga nangyayari sa CCTV.

I thought that I'm used to scenes like that. Pero ang mangyari mismo sa harapan ko, ang mangyari ang mga iyon sa isang taong mahalaga sa akin ay nakakatakot rin pala. I've never felt so scared in my life.

Kanina lang, lalo na nang tutukan ni Enki ng baril si L, sobra talaga akong natakot. Ang akala ko ay may mangyayari nang masama kay L.

L parked the car inside the garage. Wala pa rin kaming imikan kahit nang makababa na kami sa kotse. Nauna syang pumasok ng bahay at nakasunod lang ako sa kanya.

Pabagsak syang umupo sa may sofa at isinandal ang likod at ang ulo sa may backrest ng sofa. He took a deep breath before he closed his eyes.

Ako, nanatiling nakatayo lang sa may harap nya. I was playing with my fingers while making up my mind. I want to go near him but I'm afraid. Natatakot ako na baka magtanong sya. Natatakot akong baka masabi ko sa kanya ang lahat.

But I shouldn't. Alam kong hindi ko dapat sabihin sa kanya ang totoo. If ever he asked me, I should think of a lie. O hindi kaya ay iwasan ko sya para mawalan sya ng pagkakataon para tanungin ako.

My world is not safe. Magulo ang mundo ko. My life isn't normal. At ayokong madamay si L sa gulong iyon. Kung pwede lang sanang makasama ko sya nang hindi nya nalalaman ang tungkol sa isa ko pang mundo ay magiging masaya sana ang lahat.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang lalaki to the point that I wanted to protect him. At kailangan kong gawin iyon lalo na at malalaman na ng Queen ang tungkol sa kanya.

Enki will surely tell what happened to the Queen.

I stared at L's face. Nakapikit sya at mukhang natutulog. Banayad ang paghinga nya but something is telling me that he's not really sleeping. Na nakapikit lang sya at nagpapahinga saglit.

I saw the cut on his lower lip, gawa ng pagkakasuntok ni Enki sa kanya kanina. I got worried. Napanood ko ang lahat at alam kong malakas ang pagkakasuntok sa kanya. Sigurado akong nasaktan ang mga labi nya.

I should've leave L for a while. I should avoid him to avoid his questions. Pero mas nanaig ang pag aalala ko sa kanya. I sighed and walked towards the medicine cabinet na nasa may kusina. Inilabas ko ang first aid kit. I decided to treat L's wound on his lips.

Lumubog ang parteng iyon ng sofa nang umupo ako sa tabi nya. I'm sure that he felt it but he didn't open his eyes. Nanatiling nakasandal ang ulo nya sa may backrest kaya umayos ako ng upo para malinis ang sugat nya.

I put an antiseptic on the cotton bud and lightly dab it to his wound. Hindi pa rin dumidilat si L kaya ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

Mahina kong hinihipan ang sugat nya sa bawat pagdampi ko ng cotton bud doon. Medyo malaki ang sugat kaya nakaramdam ako ng galit kay Enki. How dare him! Sobrang lambot ng mga labi ni L kaya hindi na ako magtataka kung mabilis na magkasugat!

L finally opened his eyes. Naramdaman ko agad ang pagtitig nya sa akin pero hindi ko sya tinignan. Pinigilan ko ang panginginig ng mga kamay ko habang ginagamot ang sugat nya. L's eyes is giving me a frightening yet warm feeling.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasWhere stories live. Discover now