Chapter 32

144K 5.4K 853
                                    

I tried wiping my tears but it just keeps on falling. Naiinis ako. Gusto kong tumigil sa pag-iyak pero ang mga luha ko ay patuloy sa pagbuhos. Sinubukan kong manatili na nakapikit pero hindi pa rin noon napigilan ang luha ko sa pagtulo.

I remembered Tracer's words. Ang sabi nya ay wala akong karapatang umiyak at naniniwala ako doon. I don't have the rights to to feel hurt. I don't have the rights to mourn for the death of the people na nadamay. Wala rin akong karapatang makonsensya ngayon.

I was the reason why the Queen knows about them. Sa akin nanggaling ang impormasyon. At hindi man lang ako gumawa ng paraan para pigilan sya sa binabalak nya. I was doing my job, not giving a care kung anong mangyayari pagkatapos.

Pero ang kapal ng mukha ko para suwayin ang utos ng Queen dahil idinamay na nya ang mga mahal ko sa buhay. I am so selfish. Ang sama-sama ko.

"Are you okay?" I heard L asked. Kanina pa sya tahimik at parang hinihintay lang ang pagtahan ko. And now that I'm a bit calm, he finally decided to talk.

He took a step forward and reached for me pero tinabig ko ang kamay nya. Nainis pa ako sa sarili ko dahil nakonsensya ako. Napalakas kasi ang pagkakatabig ko sa kamay nya na kahit ako ay nasaktan.

But I tried to remember the anger that's building inside me. Nagagalit ako sa kanya at sa sarili ko. Naghalo-halo ang lahat ng mga emosyon ko.

"Do you think that I'll be okay with the situation that I'm in?" inis kong sabi na may halong paghikbi dahil sa ginawa kong pag-iyak kanina.

L didn't say anything and I don't know if I should get mad or be thankful. Feeling ko ay mababaliw na talaga ako. Ang dami kong nararamdaman ngayon at hindi ko alam kung ano ang uunahing pagtuunan ng pansin. It's making me feel numb. Sa sobrang dami ay hindi na ako makaramdam.

I laughed. Why does this feels so unreal? Na ang lahat ng mga nangyari ay hindi totoo. And why does my chest is aching so bad? Diba dapat ay wala akong maramdaman dahil hindi naman ito totoo?

"I feel like I'm only dreaming." I muttered and laughed without a humor again. Napatingin ako kay L na nakatingin lang din sa akin. Parang inaabangan nya kung tuluyan na nga ba akong mababaliw.

I remembered what he said earlier. Bago pumasok si Tracer. I remembered it all. May sakit na naman na bumalot sa puso ko nang maalala mga sinabi nya kanina. It made me hope that all of this is just really a dream.

O hindi kaya ay sana nagsisinungaling lang si L. That he's not really a member of EL Ordre and he's just here to rescue me. Dahil nag alala sya na hindi na ako nakabalik sa table nang magpaalam ako na magbabanyo lang ako habang nagdi-dinner kami.

He's here to save me. I could only hope, right?

"What you said earlier, is it true?" I asked.

Nanalangin ako na sana ay sabihin nya na hindi totoo. Na palabas nya lang ang sinabi nya kanina para mailigtas ako. I was hoping that he'll tell me that we will go home after this. Lahat ay inisip ko para lang mabawasan ang sakit sa dibdib ko.

Para kasing pinipiga ang puso ko. My eyes welled up but I tried to control my emotions. Shit! Ang sakit-sakit na talaga!

But L answered differently.

"It's true."

Pakiramdam ko ay nanghina ako when he confirmed it. Naubusan ako ng lakas. Kahit isang patak ay walang natira.

The impact of his words can really make me feel shaken. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o sa sakit. Basta. Sobrang sakit dahil feeling ko ay napaglaruan ako.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora