Chapter 9

137K 6K 1.9K
                                    

Old man pero may lollipop.

I sighed when I realized what have I really done. I didn't try hard to disguise myself para makatakas kay L. If I did, then I would've make an effort more at hindi ako kakain ng lollipop while in disguise.

L knows how much I love lollipop. The first time we met, nakipag away talaga ako sa kanya dahil sa nahulog na lollipop nang mabangga nya ako. And I always make a fuss when my favorite sweet is involved.

I don't even know myself. Tinatakasan ko sya pero nagbibigay ako ng palatandaan sa kanya na ako iyon kapag nagdi-disguise ako. Ginagawa ko nga ang lahat ng ito para tanggalin sya ni Papa sa trabaho. Para makalaya na ulit ako. At para makapag trabaho na ulit ng maayos as a Red Faction's Knight.

Pero na-realize ko din na ayoko talagang mawala sa buhay ko si L.

He's the only one who made me so curious about a certain person. Madali para sa akin na malaman ang lahat ng information tungkol sa tao. With me being a hacker, just a click away and that's it. Alam ko na ang buong pagkatao ng kung sino man kung gugustuhin ko.

But with L, feeling ko, kahit malaman ko ang lahat ng information nya ay kulang na kulang pa. I want to know everything about him. How does he laugh? How does he sleep? How does he like his coffee? Does he want it black or with creamer? How does he look when he's happy? How does he look when he's sad? Does he even cry? Is he a good-kisser?

I want to know all the things about him na hindi kayang ibigay sa akin ng computers ko.

I sighed. Ano bang nangyayari sa akin? Why am I even curious about my bodyguard?

Tumingin ako kay L na seryoso at tahimik lang sa pagda-drive. This has always been my view every morning kapag pumapasok ako sa pekeng trabaho ko. Pero kapag nakarating naman doon ay susubukan kong takasan sya pero nahuhuli pa rin naman nya ako.

Napakamot na lang ako sa likod ng tenga ko. Kinuha ko ang lollipop na nasa bulsa ko. Para mamaya pa sana 'to but I feel so stressed. I unwrapped it and put it inside my mouth.

Kung isa lang akong normal na tao, lalandiin ko na talaga 'tong si L at ako pa ang manliligaw sa kanya. This man is so perfect para pakawalan pa. Pero wala, eh. I'm not normal. Kahit na bodyguard ko sya and supposed to be ay poprotektahan nya ako, hindi na talaga mawawala ang panganib sa buhay ko.

Will the game ever end? I mean, really end. Yung wala nang kasunod. Dahil ayokong maranasan ng magiging anak ko ang buhay na 'to.

Did I regret that I joined the organization? No. Dahil kung hindi, hindi ko malalaman ang buong pagkatao ko at mananatiling tanong iyon sa buong buhay ko

Maingay ang naging pagsipsip ko sa lollipop at nakita kong napakunot ang noo ni L habang nakatingin sa kalsada. He's not saying anything while I happily eats my lollipop here. Ang tahimik nya talaga.

Inalis ko ang lollipop sa bibig ko.

"Tahimik ka ba talaga?" tanong ko. And as usual, wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Bakit hindi ka madaldal? Umiyak ka ba noong baby ka pa at nilabas ka sa mundo?"

I wrinkled my nose when he didn't answer. Shit naman. Bakit pa ba ako umaasang sasagutin nya ako?

Ibinalik ko ang lollipop sa bibig ko. Inikot ikot ko ang stick para dumikit ang tamis sa dila ko. Then I suck it which created sounds.

Narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni L kaya napatingin ako sa kanya. Nagsalubong na ang dalawang kilay nya. Mukhang galit. Tumingin ako sa daan para hanapin kung anong kinagagalit nya. Wala naman akong nakitang kakaiba.

I shrugged my shoulders and enjoyed eating my lollipop again. I played the candy with my tongue. Ang tunog ng pagsipsip ko lang ang maririnig sa loob ng kotse dahil sobrang tahimik. L doesn't want to turn on the radio 'cause according to him, maingay daw.

Chess Pieces #3: Maximilian EliasWhere stories live. Discover now