Chapter 35: Untitled

2.3K 32 2
                                    

KEAN's POV

"Good morning, gorgeous!" agad na bati ko kay Sheryll nang makasakay siya sa kotse.

"Hey," she hugged me.

Nandito kami sa labas ng bahay nila dahil sinundo ko siya.

"What a great morning to be with my handsome fiance!" she added and put her seatbelts on.

"Aba, marunong ka nang mang-bola ngayon, ah." sambit ko pa bago i-start ang kotse at umalis.

"Hoy, hindi 'no. It's your first day of school and starting today sabay na lagi tayong papasok so, it's really a great morning. Isn't it?"

"I'm happy kasi madalas na ulit kitang makakasama." dugtong pa niya na lalong naging dahilan ng pagngiti ko.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niyang nakapatong sa hita niya. Habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa manibela ng kotse habang nagd-drive.

"Ibig sabihin lang niyan na lagi nang magiging maganda ang araw mo."

"Sus, I know what you mean kaya hoy, Kean. Reminder lang na araw-araw nga tayong magiging magkasama pero every free time lang. No dates allowed hangga't hindi pa tapos ang mga dapat tapusing bagay na related sa school. Alright?"

"Got it, madam!"

She chuckles.

"Anyway, si Sandra nga pala? How is she?"

"She's fine. Actually, na-discharged na siya kahapon sa hospital."

"Nagpapahinga lang muna siya sa ngayon and by next week, babalik na siya sa school." I added.

Napatango tango naman siya.

"I'm glad to know na okay na siya. Sobrang worried ako noong malaman ko iyong nangyari sa kanya, pero hindi ko manlang siya nagawang i-visit kahit isang beses."

"Pwede ko ba siyang puntahan bukas?" she asked.

"Of course. Anytime."

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa campus.

We are not in the same class kaya naman ihahatid ko muna siya sa room niya.

Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami.

"Naalala ko, paano kayo... Naging magkakilala ni Kelly?"

"Ahh, si ate Kelly? Masyadong mahabang kwento, eh. But I knew her since high school."

"Oh, dito na iyong room ko." she added.

Napatingin naman ako roon. Mukhang halos lahat ng classmates niya nasa loob na.

"Sige, pasok ka na. See you later." sambit ko.

She hugged me and I kiss her forehead before going.

"Bye bye. See you later." she smiled while waving at me.




CASSANDRA's POV

"Oo naman, 'no. Okay lang."

Nandito lang ako sa kwarto ko habang naka-indian seat sa gitna ng kama at kausap si Red through call.

"Pero... I think mali rin ako na nagalit agad ako sa kanya. Lagi kasi akong napapangunahan ng emosyon ko, eh." I added.

(May nagawa ba siyang... Hindi mo nagustuhan?)

Napaisip naman ako doon.

"Hm... Parang ganoon na nga."

(Ano naman iyon?)

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Där berättelser lever. Upptäck nu