Chapter 33: Arguement

2.3K 35 0
                                    

CASSANDRA's POV

"Oh, si Yohann? Nakaalis na?" agad na tanong ni Jhoann nang makabalik sila dito ni Faye.

"Kamusta? Maayos ba kayong nagkausap? Anong sabi?" Faye

"Or... Maybe nagtalo lang kayo?" Jhoann

"Hindi 'no."

"Eh, ano ngang nangyari? Para kasing ang lalim ng iniisip mo." Faye

"Feeling ko kasi... Sincere talaga siya sa lahat ng sinabi niya. Na hindi talaga niya intensyon na perahan ako at... Hindi rin talaga niya ginustong gawin ang dare."

"Sa tingin niyo?"

"Hm, kasi... Sandra, sa totoo lang... Naniniwala na ako sa kanila na nagsasabi talaga sila ng totoo... Especially Yohann." Jhoann

"Ako rin, hehe." Faye

"Paano naman?"

"Nakausap ko kasi si Liam nitong nakaraan. He told me everything. Sabi niya, ang totoo... Siya talaga ang dahilan kung bakit kinailangan talaga nilang gawin ang dare. Una pa lang ayaw na talagang pumayag ni Yohann... Pero pinangunahan siya ni Liam na mag-decide at basta na lang sumangayon sa gustong mangyari ni Brandon. Wala silang idea na magagawa silang traydorin ng lalaking iyon at... Ayon na nga, iyong message sa 'yo noong lalaki, hindi totoo at pinlano lang niya para tuluyang siraan si Yohann." Jhoann

"Oo, malaki raw kasi talaga ang galit sa kanila ng lalaking iyon simula pa lang." Faye

"Nga pala, did he mention something about a comeback thing?" Jhoann

"Anong comeback ka dyan?" kunot noong tanong ko.

"Wala... Malay mo lang kasi 'di ba? Baka may chance pa." mapangasar siyang ngumiti at kinindatan ako.

"Tsh, tigilan mo nga ako Jhoann. Actually..."

"Actually ano?" Faye

"He just asked me for a better closure."

"Ha? Is that mean na wala na talaga? Bakit?" Jhoann

"Tsh, kahit naman ako kung tatanungin mas mabuti na closure na lang ang mangyari 'no. Bakit ko gugustuhing magkaro'n ng comeback when he still have feelings for Sheryll? I'm sure iyon din ang dahilan niya kahit hindi niya sabihin."

"Pero... You love him, right?" Faye

"Hindi na mahalaga iyon... Hindi naman talaga magw-work ang isang relationship kung isa lang ang nagmamahal, 'di ba? Nasasaktan at nalulungkot ako sa sinabi niya... Pero wala naman akong magagawa kung... Wala talaga siyang feelings para sa 'kin."

"K-Kung sabagay... May point ka." Faye

"After ko siyang makausap kanina, saka ko lang na-realized that he really knows what he's doing and what's best for the both of us."

"He doesn't asked for a comeback simply because he knows that it won't work anymore... Kasi he still have feelings for her and he doesn't want to hurt me again. Na-realized ko na sa lahat ng pwedeng mangyari, iyong makasakit ng feelings ng iba ang pinaka-iniiwasan niya."

"Now I know and I understand na naiipit lang talaga siya sa sitwasyon kaya nangyari 'to. Nagui-guilty na tuloy ako sa ginawa ko. *Sigh* "

"Hindi ka ba... Nag-sorry nang dahil sa pagtapon mo ng pera sa kan'ya?" Faye

"H-hindi... Kasi naman, hindi pa rin buo ang tiwala ko. Hindi ko pa buong pinaniniwalaan ang mga nalaman ko. You can't blame me kasi intensyon man nilang ginawa iyong nangyari o hindi... Still, nasaktan pa rin nila tayo at ginawa pa rin nila iyon kahit na... Sinasabi nila na wala na silang choice but to do that. Ni hindi nga nila masabi ng buo sa 'tin iyong dahilan kung bakit delikado kapag tumanggi sila sa dare, eh."





































This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora