Chapter 18: Untitled

2.7K 42 0
                                    

CHARLES's POV

"Charles, please... Do contact me kapag nakita niyo siya. I'm so worried about him. Hindi ko siya ma-contact since umalis siya ng bahay kahapon at hindi ko na rin alam kung saan ko pa siya hahanapin."

"Sige, ate. I'll call you asap kapag may balita na ako sa kaniya, don't worry."

"Salamat, I have to go."

I nodded.

"Ingat."

Nang makaalis na siya ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

Dumaan lang talaga siya dito saglit dahil kay Yohann. She thought na nandito siya at gustuhin man niyang samahan kami para hanapin si Yohann, hindi niya magawa dahil may business trip siya ngayon.

*Sigh* Nasaan na ba kasi siya nagpunta? Naka-off ang phone niya kaya kahit isa sa 'min, hindi siya ma-contact.

Ang mabuti pa siguro pumunta na lang ako sa school nila.
.
.
.
.
.
__________

"Hey, bro! Bakit ka nandito? Wala ka bang klase?" Ian

"Wala, at mabuti na nga lang na wala dahil kailangan kong makita si Yohann. Pumasok ba siya?"

Nandito kami sa labas ng building nila.

"Hindi, eh. Wag mong sabihin na hindi talaga siya bumalik kagabi?" Liam

"Ganoon na nga. Saan ko pa kaya hahanapin ang isang iyon? Saan ba kasi siya nagpunta? Nag-aalala na sa kaniya si ate Kelly."

"Have you tried calling him already? O kaya i-track natin kung nasaan siya." Ian

"Naka-off ang phone niya."

"Baka naman nasa bahay siya nila Art?" Liam

"I called them already. Ang sabi niya hindi daw nagpunta si Yohann doon."

"Wait, Liam, hindi ba wala pa rin si Sandra?" Ian

"Oo, bakit?"

"I guess magkasama silang dalawa." Ian

"Sino si Sandra?" kunot noong tanong ko.

"Ang babae sa dare." Ian

"Oh, ayan na si Sandra, oh." Liam

Napatingin ako sa tinitingnan nila.

Ang ganda noong babae. Nag-iisa lang siyang naglalakad papunta dito.

So, siya pala si Cassandra na nag-iisang anak na babae ng nagma-may nitong Lyandra Academy. Hindi ko in-expect na mas maganda pala siya sa personal.

"Good morning, Sandra." bati nila Ian.

"Good morning. Bakit nasa labas pa kayo? Hindi pa ba nags-start ang klase?"

"Hindi pa."

"*Sigh* mabuti naman. Akala ko talaga late na 'ko."

Napatingin siya sa 'kin.

"Ah, nga pala Sandra, this is Charles, kaibigan namin at pinsan ni Yohann."
Liam

Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.

"So, ikaw pala ang girlfriend ng pinsan ko. I'm glad to meet you."

She smiled at nakipag-kamay sa 'kin.

"Hi, I'm glad to meet you too. I'm Cassandra."

"Sige, pasok na 'ko sa loob." dugtong niya.

Akma na sana siyang aalis pero...

"Sandali lang, Sandra. Hindi mo ba.. kasama si Yohann kagabi o kanina?" Liam

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now