Chapter 28: She heard it.

2.4K 33 0
                                    

CASSANDRA's POV

Ngayon na ang araw ng anniversary nitong L.A. Sa ngayon, busy pa rin kaming lahat. 7:30pm ang start ng event at 5pm pa lang ngayon that's why mga busy pa kaming lahat sa pag-aayos ng kan'ya kan'yang sarili.

Yohann Calling...

Agad akong napabaling sa phone ko at sinagot ang tawag ni Yohann.

"Yohann,"

(Are you busy right now? Gusto sana kitang makita.)

"I am just doing my make-up done. Bakit gusto mo 'kong makita? Magkasama lang tayo kanina, ah." I chuckled.

(I just need to tell you something. If you have a bit free time, let's see each other. Pero kung wala... It's fine. Sa event na lang.)

"Guys, we need to go sa gym in 5 minutes. Tapusin niyo na 'yang mga ginagawa niyo." dinig kong sambit ni Anna.

Muli akong bumaling sa phone ko at nagsalita.

"Hm, okay. I'll just message you later, okay? Bye bye." sambit ko sabay end na ng call.

Tinapos ko na ang make up ko at sinuot ang heels ko. Sa ngayon, naka-high waisted jeans and fitted white crop top pa lang ako.

Maya maya pa ay nagtungo na kami sa gym. Sobrang ganda na ng decorations dito. Ang lawak rin ng ginawang stage.

Medyo maagap lang kaming nagpunta dito para mag-rehearse ng konti. Actually, na-assigned sa dalawang group ang club namin. Sa acting na-assigned ang kabilang group, while kami naman ng group ko sa mini fashion show.

And base sa napagplanuhan, hindi required na gown ang isuot namin. Ang mini fashion show na magaganap mamaya is magb-base sa kung ano ang sarili naming simple style. Most likely, kung paano namin dadalhin ang mga simple clothes sa paraan na magmumukha itong eleganteng tingnan kapag kami na ang nagsuot. Something like that.

Lahat ng magaganap mamaya sa bawat clubs is not a competition. Though, as far as I know, magkakaro'n ng bidding sa mga sculptures and paintings from Arts & Design club mamaya. Kumbaga, ginawa lang talaga ang event na 'to para mag-enjoy at mag-chill ang karamihan. Especially, pupunta rin ang mga shareholders and board of directors nitong L.A. I just don't know kung makakapunta rin ang parents at mga kapatid ko since they are really busy with their own works.

Sandali lang ang pagre-rehearse na ginawa namin. Bumaba na rin agad kami ng stage since may iba pang magre-rehearse dito.

"You can have your free time right now. Basta, sa backstage nalang tayo magkita kita later, 30 minutes before mag-start ang mini fashion show, okay?" Anna

"Okay, Anna."
"Thank you."
"See you later guys."

Paalam namin.

I was about to leave the gym nang makita ko si Sheryll na katatapos lang makipag-usap kay Ara.

"Sheryll," nakangiting tawag ko sa kan'ya.

"Oh, Cassandra. Ikaw pala, ang ganda ganda mo naman. Saan ka galing?"

I smiled.

"Ah, katatapos lang namin mag-rehearse for the mini fashion show later. Ikaw? Okay ka lang ba?"

"Ako?" turo niya sa sarili niya.

"Oo naman, bakit... Mo natanong?" she awkwardly asked.

"Nalaman ko lang kasi iyong nangyari. Nag-quit ka sa musical club?"

"Ahh, oo."

"Bakit?"

"Hm, kasi... W-Wala lang, nagbago bigla ang isip ko." sagot niya nang hindi makatingin sa 'kin ng deretso.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now