Chapter 19: A Date

2.8K 47 1
                                    

CASSANDRA' s POV

Habang nakaupo kami dito ay may bigla na lang nagtakip ng mga mata ko...

"Hey, who's this? Wala akong makita."
Sambit ko pero ang tanging narinig ko lang ay ang bahagya nilang pagtawa.

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niya sa mga mata ko pero hindi ko matanggal.

"Gosh! What are you doing?"

"It's me."

Nang marinig ko ang mga boses niya ay agad ko rin siyang nakilala.

"Tell my name, at saka ko aalisin ang kamay ko sa mga mata mo."

*Sigh*

"Red, I know it's you."

"*Snap* Bingo!" inalis na niya ang kamay niya sa mga mata ko at naupo sa tabi ko."

"Anong trip 'yan?" tanong ko.

"Saan ka galing?" Jhoann

"Wala lang, nakita ko kayo dito kaya lumapit ako. Mabuti na nga lang na nakita ko kayo. Wala akong kasama dito, eh."

"Nandito ka rin para manood ng sunset?" Faye

He nodded.

"Actually, dito ako lagi pumupunta after class para maghintay at panoorin ang sunset ng mag-isa."

"Ang daya mo, ah. Hindi ka manlang nag-aaya." sambit ko.

"I didn't bother na mag-aya pa, busy na kayo sa mga love life niyo, eh. Especially, si Sandra."

"*Chuckled* Anong busy ka dyan? I'm actually not. You can ask us naman anytime especially, kapag mga ganitong oras. Gusto kong nanonood ng sunset, mas madalas lang doon ko ginagawang manood ng sunset sa rooftop namin dahil kita rin naman ang sunset doon, mas maganda nga lang dito."

"Yeah, at saka ano bang busy sa love life? Sakto lang 'no." Faye

"Ahh, I get it. Is that the reason kung bakit napapansin ko na parang lumalayo ka? Is that because may mga boyfriend na kami?"

"Ano? Of course not. Kaibigan ko pa rin kayo whatever happens. Nagkakataon lang talaga nitong mga nakaraan na masyado akong busy sa mga bagay bagay."

"Weh? Iyon ba talaga?" Jhoann

"Oo naman, hahaha ano pa ba?"

I slightly chuckled and shake my head.

"Just make sure na seryoso talaga sila sa inyo, ah. Mahirap na." muling sambit niya dahilan para bahagya kaming mapakunot noo.

"What do you mean?"

"Wala lang, gusto ko lang namang makasigurado na seryoso talaga sila sa inyo. Alam niyo naman iyong nangyari sa resort last time, right? May mga weird guys na mukhang goons silang kilala, at ang mga lalaking iyon, muntik pang gawan ng masama si Sandra."

"Kung sabagay tama ka, but I think hindi naman nila magagawang paglaruan kami. Nasabi rin naman nila na enemy nila ang mga lalaking iyon, ipinagtanggol pa nga ni Yohann si Sandra, eh." Faye

"Kahit na ganoon, mag-ingat pa rin kayo, okay?" Red

















KELLY's POV

"Oh, gosh! I'm almost late." sambit ko habang naglalakad papasok sa isang hotel at nakatingin sa phone ko.

Patakbo akong lumapit sa elevator bago pa man ito magsara.

Saktong pagkapasok ko ay may nakasabay akong lalaki pero hindi ko na lang siya inintindi.

Hindi pa man nagsasara ang elevator ay bigla itong tumunog. Sign na sobra na ang nakasakay dito.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now