Chapter 17: Who's Selene and Syd?

2.7K 52 0
                                    


CASSANDRA's POV

Katatapos lang ng klase namin. Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot.

"Ah, Sandra."

"Hm?" nakangiting baling ko kay Yohann.

"Ah--kasi, about what I've said ealier. Can we just go next time?"

"Bakit naman? Akala ko ba ngayon?"

"May... Emergency kasi na nangyari. I have to go home."

"Ganoon ba?" medyo napawi ang ngiti ko ng dahil doon.

"But don't worry, ihahatid muna kita."

Hindi na ako tumanggi at hinayaan na lang siya na ihatid ako.

"I'm sorry kung hindi matutuloy iyong date natin. Hindi ko rin kasi alam na kakailanganin kong umuwi agad ngayon."

"No, it's okay. I understand. Marami pa namang next time, eh." nakangiting sambit ko.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Bye bye. Mag-ingat ka sa pagd-drive, ah."

He kissed my forehead.

"I will. Sige na, pasok ka na sa loob."

Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang pumasok sa gate namin.

Basta, ang saya ko. Ganito pala ang feeling na may boyfriend ka. Kahit na hindi natuloy ang first date namin, masaya pa rin ako, kasi nae-express ko na iyong tunay na nararamdaman ko for him. ^^





























YOHANN's POV

"Lil bro, nandyan ka na pala. How's your day?" sambit ni ate.

Nakaupo lang siya doon sa couch habang nagt-type sa laptop niya.

Dumeretso ako sa couch na kaharap niya at naupo.

"Alam mo na rin ba?"

"Ang ano?" tanong rin niya.

"Si Syd at Selene, bumalik na ulit sila."

"Oh, ano naman ngayon?" hindi pa rin niya binabaling ang tingin niya sa 'kin at tuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

"Anong ano naman ngayon? Ate, nandoon sila sa school kung saan ako pumapasok."

"It's not a problem, Yohann. If you don't want to see them, then lumipat ka ng school."

"What? Will you please stop pretending as if you don't care about them? Alam mo naman kung gaano kalaki ang kasalanan nila sa 'tin."

Hindi siya sumagot.

"Ate!"

"Yohann, please. Wag mo akong kulitin. May trabaho akong ginagawa. If you wanna talk about it, let's just talk next time, o---"

"Magpapakasal na si dad kay Selene!" halos pasigaw na sambit ko dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

"What?"

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now