Chapter 11: Red vs. Yohann

3.3K 51 1
                                    

CASSANDRA's POV

It's sunday today. May usapan kami nila faye na magsisimba kami and as usual kasama sila Yohann.

*DING DONG*

Nandyan na yata sila.

Nakita ko si manang na papunta na sa labas para buksan yung gate...

"Ah, manang ako nalang ang magbubukas no'ng gate. Baka sila Faye na 'yon, alis na 'ko."

"Sige po, ingat po kayo."

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko na sila. Tatlo pa ang dala nilang sasakyan.

"Hi, Cassandra!" malawak ang ngiting sambit ni Yohann.

Pilit naman akong ngumiti sa kan'ya.

"Let's go?" Jhoann

"Ah, wait lang."

"Bakit? May nakalimutan ka ba?" Yohann

"Wala, may isa pa kasi tayong kasama ngayon eh."

"Sino?" Liam

Magsasalita na sana ako pero...

"Oh, he's here." sambit ko nang tumigil dito ang isang puting kotse at bumaba do'n si Red.

"Hi." nakangiting sambit niya at lumapit sa 'kin.

"Sino naman siya?" Yohann

"Ah, guys. This is Red. New friend ko, sa school din natin siya nag-aaral."

"Red mga kaibigan ko nga pala." dugtong ko pa ipinakilala sila isa-isa.

"Manliligaw niya 'ko." sambit ni Yohann.

Bahagya ko naman siyang siniko.

"Ano bang ginagawa mo?" bulong ko habang pinandidilatan siya ng mata.

"Why? Totoo lang naman ang sinabi ko, ah."

Nakita ko pa ang bahagyang pagtawa nila Ian.

"Ah, h-hindi. Just don't mind him." baling ko kay Red.

"It's okay. Tara na?" Red

Tumango ako at akma na sanang lalakad ng biglang hawakan ni Yohann ang wrist ko, dahilan para mapatingin ako sa kan'ya.

"Where are you going? Sa 'kin ka sasabay 'di ba?"

"Pasensya na pre, pero sa 'kin siya sasabay." Red

"Sandali lang---"

"Dito kana sumakay."

Muli kaming napatingin sa kanilang dalawa dahil sabay silang nagsalita at sabay din nilang binuksan yung kabilang door ng frontseat ng kotse nila.

Nagkatinginan din silang dalawa. Ang sama ng tingin nilang dalawa sa isa't-isa.

"Sakin siya sasabay." sambit ni Red at hinawakan ang right wrist ko.

"Sa 'kin." sagot naman ni Yohann at hinila ang left wrist ko.

"Ang sabi ko sa 'kin!" muling sambit ni Red at hinila ako.

"Sakin nga siya sasabay!" Yohann sabay hila ulit sa 'kin hanggang sa wala na silang tigil sa paghihilahan sa mga braso ko.

"Aray! Ano ba?! Nasasaktan ako, ah! Bitiwan niyo nga akong dalawa!"

Sabay naman nilang binitawan akong binitawan.

Napahawak ako sa wrist ko.

"Hindi niyo naman kailangang magtalo."

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now