Chapter 16: She Said Yes!

3.1K 57 0
                                    


YOHANN's POV

"Ano ba talagang gusto mong mangyari?!" singhal ko matapos siyang sapakin.

Tumayo siya at pinunasan ang gilid ng labi niya.

"Naninigurado lang naman ako kung tama nga ang hinala ko, at nang dahil sa ginagawa mong 'to ngayon, parang mas napapatunayan ko nang unti-unti na kayong natatalo sa dare." Brandon

"Para maging malinaw sa 'yo, wala kaming gusto sa kanila. Ikaw ang gumagawa ng paraan para mahuli nila kami. Wala ka ba talagang utak? Huh?!" muling sambit ko at itinulak siya.

"Kung talagang totoo nga 'yan, ipahiram mo siya sa 'kin."

"Ano?"

"Ang babaeng iyon. Si Cassandra, ipahiram mo siya sa 'kin. Siguro naman nakuha mo na ang kailangan mo sa kan'ya?"

I clenched my fist.

"Kung talaga ngang hindi mo siya gusto, ipahiram mo siya sa 'kin."

"Siraulo ka talaga!" singhal ko at muli siyang sinuntok hanggang sa magtuloy-tuloy na kami sa pag-aaway habang nagpapalitan ng suntok.

"Yohann! Tama na 'yan."

"Brandon."

Dinig kong awat nila Ian sa 'min hanggang sa mapaghiwalay nila kaming dalawa.

"You @s$hole! Sa susunod na ulitin mo pa ang ganito, sinasabi ko sa 'yo, sa G.W na tayo maghaharap!" singhal ko.

Bigla na lang siyang tumawa ng mala-demonyo.

"HA.HA.HA.HA.HA! Sa tingin mo ba Yohann, matatakot ako sa 'yo? Pfft-- 'wag mo sanang kalimutan na natalo kayo sa game kaya kahit pa mas mataas ang rango n'yo kesa sa 'min, kailangan niyo pa ring sumunod sa napagkasunduan."

"Isang buwan, sa huling pagkakataon, bibigyan ko pa kayo ng isang buwan para magawa ang dare at mapatunayan na hindi talaga kayo talo, dahil kung hindi, it's all... Over. Ha.ha.ha!"  tinapik pa niya ang balikat ko bago umalis.

"Aish! Bwis*t!" muling singhal ko at napasipa na lang sa buhangin.

"Malapit ko na talaga siyang mapatay!"

"Ang gag*ng iyon, talagang nananadya na siya." Liam

"At talagang nagbigay pa siya ng panibagong buwan. Ano bang tingin niya sa 'tin? Mahina? Tsh." Ian

"Hindi na natin dapat hayaan na matapos ang isang buwan na binigay niya. Gawin na natin ang lahat in 2 weeks, para matapos na 'to at makabalik na tayo sa G.W. pati na rin sa dati nating university."

"Pero sandali, bro. Do you really have plans na gawin ang sinasabi niya? Na perahan si Cassandra para mai-salba ang company niyo?" Liam

"Tsh, sa tingin mo gagawin ko iyon? Hindi ako ganoong tao. Problema na ng parents ko kung paano pa nila maisasalba ang company. Matagal na rin naman akong namumuhay ng wala sila sa tabi ko, kaya hindi ko na problema iyon."

"We have to leave here. Mag-isip na lang tayo ng idadahilan kila Cassandra, lalo na kapag nagtanong sila tungkol kay Brandon."


























CASSANDRA's POV

"What the--- ayos lang ba kayo??" nanlalaki ang mga matang sambit ni Jhoann.

Nandito na ulit kami sa cottage namin at nandito na rin sila Yohann. Halatang nakipagsapakan sila.

"Ano ba talagang nangyayari? I'm really curious. Ano'ng pinagsasasabi ng lalaking iyon kanina?" kunot noong tanong ko.

"Basta, mga nakaaway namin sila dati sa isang bar. Hanggang ngayon ayaw pa rin nila kaming tigilan." Ian

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon