Chapter 34: Untitled

2.4K 39 1
                                    


SYD's POV

"Just stop right there. Hintayin niyo nalang ako dito. Sandali lang ako." sambit ko sa tatlong kaibigan ko bago bumaba ng kotse.

"Sige, bro. Bilisan mo ha." dinig ko pang sambit ng isa sa kanila.

Habang naglalakad ako papasok sa bahay ay nakasalubong ko si Yohann.

"Yohann---"

"Wag mo 'kong kausapin." agad na sambit niya habang dere-deretso palabas.

Bago na naman ang pasa sa mukha niya. Ano na namang nangyari sa kan'ya?

Dumeretso nalang ako sa paglalakad ko.

"Ano ka ba naman, hon? Bakit mo kailangang gawin iyon sa kan'ya?"

"Dapat lang iyon para magtino siya! He only cares about his mom!"

Dinig kong pagtatalo nila mama nang makapasok ako ng bahay.

"Kahit na! You're the one who should be able to understand him. Alam mo naman kung bakit siya nagkakaganoon, 'di ba? Hindi mo siya dapat pinagbuhatan ng kamay. Because of what you did, mas lalo lang lalayo ang loob niya sa 'yo."

"Bakit ba pilit mo pa rin siyang ipinagtatanggol sa harapan ko matapos ang mga pinagsasabi niya sa 'yo?!" dad

"Dahil naiintindihan ko siya! Ano bang gusto mong gawin ko? Ang magalit din sa kan'ya gaya ng ibang step mother na nagiging masama nang dahil lang sa hindi nila kadugo ang isang tao?!"

"Simula pa lang noong makita ko sila ni Kelly, naging malapit na ang loob ko sa kanila. Oo, alam kong malaki ang ipinagbago ngayon ni Yohann, pero naiintindihan ko siya. Hanggang ngayon nagui-guilty pa rin ako na nakasira ako ng pamilya ng iba." muling sambit ni mama.

"Anong ibig mong sabihin?" dad

"Hindi gan'to ang gusto kong mangyari. Gusto kong maging maayos pa rin ang lahat sa kabila ng mga nangyari noon, kaya sana hindi na maulit ang gaya ng ginawa mo kay Yohann at ayoko rin na darating iyong araw na pati si Syd, magagawa mo nang pagbuhatan ng kamay nang dahil lang sa galit mo."

"Ayoko nang magtalo tayo. Saka nalang ulit tayo mag-usap." She added.

She was about to leave nang makita niya ako.

"Oh, a-anak... nandyan ka pala."

"Ano pong ginagawa niyo?" tanong ko as if hindi ko narinig ang pagtatalo nila.

"Ah, wala naman. Nag-uusap lang kami ng dad mo. Uh... Akala ko ba.."

"May kukunin lang po akong gamit kaya bumalik ako. May pupuntahan kami ng mga kaibigan ko. Bukas na po ng umaga ang uwi ko."

"Ganoon ba? Hm, sige. Mag-iingat ka doon." she tap my shoulder.

Tumango nalang ako bago pumunta sa kwarto ko.

Kung ganoon, iyon pala ang dahilan kung bakit nakita kong may pasa si Yohann kanina noong makasalubong ko siyang palabas nitong bahay at galit siya.

*Sigh*

Ano na bang nangyayari sa pamilya namin?

Hindi ko rin akalain na kayang gawin iyon ni dad sa kan'ya.




















KELLY's POV

"Cheers!" sabay sabay na sambit namin.

*Glass Clanking*

"Ate, mami-miss ka namin pag-alis mo." sambit ni Charles matapos uminom.

"Matagal na naman bago ulit namin maririnig ang pagse-sermon mo. Hahaha." Ian

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now