Chapter 29: Event

2.4K 35 0
                                    

FAYE's POV

"So now, let's start the mini fashion show from Theatre & Modeling Club! Let's give them around of applause!" announce ng mc bago bumaba ng stage.

"Ayan, magsisimula na. I'm excited to see Sandra!" Jhoann

Magkakasama na kami ngayon nila Jhoann, Ian, at Liam sa iisang table.

"Nasaan si Yohann? Hindi ba siya manonood?" I asked dahil kanina ko pa siya hindi nakikita dito.

"Maybe he's in the backstage with Sandra. Papunta na rin siguro siya dito sa table natin." Ian

Napatango na lang ako.

Maya maya pa ay nagsimula na ring lumabas at rumampa sa stage ang mga models.

For me, ang ganda ng concept na napili ng club nila. Mas pinatunayan nila na nakadepende talaga sa nagsusuot kung paano magmumukhang elegante at maganda ang style kahit na gaano pa kasimple at mumurahin ng mga damit na suot nila.

Habang rumarampa ang bawat isa sa kanila ay nagsasalita ang mc about sa kung anong klase ang mga suot nila.

"Where is Sandra?" Jhoann

"Oo nga, bakit wala yata siya?" Liam

"Maybe kahulihan siyang lalabas ng stage." sambit ni Ian pero natapos ang mini fashion show nang hindi manlang namin nakitang lumabas ng stage si Sandra.

"Ano kayang nangyari? Bakit wala siya?" muling sambit ko at tumingin sa table na malapit sa stage kung nasaan ang parents at dalawang older brother ni Sandra.

Kita ko sa mukha ni tita na hindi siya natutuwa ngayon. Alam kong ine-expect nilang makita si Sandra.

"Kasunod na ang bidding mamaya mula sa club namin, then after that, matatapos na 'tong event. Ako iyong kinakabahan para kay Sandra."

"For sure she will get scolded by her mom. Aakalain kasi nila na mismong si Sandra pa ang walang participation sa anniversary ng school na pag-aari ng parents niya. Look, I can see the disappointment on her mom's face." Jhoann

"Wait, dito lang muna kayo. I'm going to look for her sa backstage." paalam ko bago umalis.

Nang makarating ako sa backstage ay hindi ko naman siya nakita at tanging mga co-members lang niya at ang club president nila ang nakita ko.

"Uh, excuse me. You're Anna, right?" lapit ko sa president nila.

She nodded.

"Si Sandra? Napansin ko kasi na wala siya mini fashion show kanina."

"Ah, nagpaalam siya sa 'kin. She said she's not feeling well. I allowed her not to join kasi halata ko talaga sa kan'ya kanina na hindi siya okay."

"But... Did you know where she is?"

"Hindi, eh."

"Ganoon ba? Sige, thank you." muling sambit ko bago umalis.

"Oh, nakita mo siya?" Jhoann

Umiling ako at muli na lang naupo sa upuan ko kanina.

"I tried to call her pero hindi naman niya sinasagot." Jhoann

Magsasalita na sana ako nang may biglang magsalita sa likuran ko.

"Nandito lang pala kayo. Hindi ko kayo makita kanina." sambit niya at naupo sa tabi ko.

Ang mga mata niya, halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Sandra," Liam

"Where have you been?" Jhoann

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now