Chapter 32: A Closure?

2.4K 37 0
                                    

FAYE's POV

"*Sigh*" Sandra

"Uy, kanina pa panay ang buntong hininga mo d'yan. You okay?" Jhoann

"Kasi naman, inip na inip na 'ko sa loob ng kwartong 'to. Nakakainis! Kailan ba kasi ako makakalabas dito? Gustong gusto ko nang i-enjoy ang buhay ko sa labas."

"Pfft-- ano? Kung makapagsalita ka naman dyan para kang nakulong ng isang taon sa kulungan. Jusko, ah." natatawang sambit ko.

"Psh, hindi ba parang kulungan na rin 'to? You see? Halos hindi na ako makalabas sa kwartong 'to at kung makalabas man ako, hanggang rooftop lang nitong hospital."

"Eh, kasi nga marami pang observations na kailangang gawin. Syempre ano, hellooo? Nag-under go ka ng surgery ng 50/50." Jhoann

"Oo nga pala, may itatanong ako." Sandra

"Si... Si Yohann ba, pumapasok pa rin ba siya sa L.A?"

Nagkatinginan kami ni Jhoann at mapangasar na tumingin sa kan'ya.

"Oh, anong tingin 'yan? Nagtatanong lang ako, ha."

"Sus, nami-miss mo siya 'no? Aminin mo na." pangaasar ko.

"Hindi, ah. Bakit ko naman siya mami-miss? After what he did? Tsk. Curious lang ako. Maybe he's still going to school at... Siguro for Sheryll?"

"Actually, nagkakamali ka." Jhoann

"Bihirang bihira nang pumasok si Yohann. Kung pumasok man siya, lagi lang niyang tinatanong sa 'min kung kamusta ka. Gusto ka pa nga rin niyang makausap." sambit ko.

"Oh, anong sabi niyo sa kan'ya? Alam ba niya na nandito ako?"

Umiling ako.

"Hindi namin sinabi. Wala kaming kahit na anong sinabi sa kan'ya. Sa buong school, kami lang ang nakakaalam nitong nangyari sa 'yo. Pati na rin si Red and... I think alam rin ni Sheryll."

"Bakit hindi niyo sinabi sa kan'ya?"

"Pinag-isipan talaga namin ni Faye ang tungkol doon. Pero kasi, baka magalit ka sa 'min at ayaw mo pala siyang makita." Jhoann

"Hm, kung sabagay."

"Anong reaction 'yan? I guess hinihintay mo siyang bumisita sa 'yo dito." Jhoann

"Ow, I knew it! Kaya siguro inip na inip ka kasi may hinihintay ka talagang dumating. Hahaha! Tama ako 'no?" sambit ko.

"Kaya naman pala gustong gusto na niyang lumabas ng hospital kasi may gusto siyang makita." pangaasar pa ni Jhoann.

"Hoy! Tumigil nga kayo. H-Hindi iyon ganoon, ha."

"Sus, don't worry. Kami ang gagawa ng paraan for you." I winked at her.

"Hindi nga sabi iyon ang gusto ko. A-Ayoko talaga siyang makita... Galit pa rin ako sa kan'ya." she rolled her eyes.

"Stop being in denial. At saka relax ka lang, ang heart mo. Sige ka, mahirap pa naman makahanap ng donor."

Nginiwian lang naman niya ako habang kami ni Jhoann ay tumatawa sa pangaasar sa kan'ya.

"Kamusta nga pala sa school? Marami na 'kong na-missed na subjects."

"Nako, 'wag mong alalahanin iyon. We always got your back. Maraming projects na pinagawa nitong nakaraan. While you're unconcious, kami ni Jhoann ang gumawa ng projects mo."

Kita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya.

"What? Bakit?"

"Hellooo? Babagsak ka kapag hindi namin iyon ginawa. Remember? Walang nakakaalam sa kanila ng nangyari sa 'yo. All they know is that... Nasa vacation ka." paliwanag ko.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now