Chapter 23: Untitled

2.4K 45 0
                                    

CASSANDRA's POV

"Guys! I received a message from prof. Hindi na daw s'ya makakabalik dito dahil may emergency na nangyari. Pwede na tayong umalis." class president

Nang dahil doon ay nagsimula nang umalis ang mga kaklase namin at ang kasabay naming section.

"Sa wakas, mabuti na lang makakaalis na tayo. Ang init dito, eh." Faye

Umalis na kami at nagtungo papunta ng cafeteria.

Habang naglalakad kami ay nakita namin ang anak ni prof.

May kausap siya sa phone. Nauuna siyang maglakad sa 'min sa 'di kalayuan kaya rinig namin ang sinasabi niya.

"Ano'ng emergency ang nangyari? What happened to Yohann?"

Nagkatinginan kami nila Faye nang marinig iyon. Alam naming si Yohann na kilala namin ang tinutukoy niya.

Kanina lang tinatanong niya sa 'min si Yohann. Ano bang koneksyon nila sa isa't isa?

"Sabi ko na nga ba may mali sa kan'ya kanina. Mabuti nalang stable na ang kondisyon niya.--- I think hindi na. Gustuhin ko man na puntahan siya, I'm sure na hindi rin niya ako gugustuhing makita. I'll just talk to him kapag sumama na siya kay dad. Sige, ate. Thank you."

Muling sambit niya.

Nang makarating kami sa cafeteria ay naupo na lang muna kami doon.

"Ano kayang nangyari kay Yohann? Okay lang kaya siya?" sambit ko.

"Don't worry, Sandra. He's okay." Liam

"Nagtataka ako. Ano bang koneksyon ni Yohann kila Prof.?" Faye

"Oo nga, akala ko ba hindi sila magkakilala? Hindi lang niya basta kilala si Mrs. Elaria bilang isang prof natin, right?" Jhoann

Nanatili lang akong nakatingin sa kanila habang naghihintay kung ano'ng isasagot ni Ian at Liam, pero parehas lang silang nagkibit balikat.

"Hindi niyo alam?" tanong ko.

"We can't say anything about it nang walang permission ni Yohann. Sorry, baka kasi magalit siya sa 'min." Ian

"It's not that wala kaming tiwala sa inyo, pero may pagka-sensitive kasi si Yohann pagdating sa bagay na iyon. He doesn't like talking about that matter. Ayaw rin namin siyang pangunahan." sambit ni Liam at ngumiti sa 'min.
.
.
.
.
.
.
.
.
________________

"Guys, mauna na akong umuwi sa inyo, ah? May kailangan pa kasi akong puntahan, eh." paalam ko.

Katatapos lang ng afternoon class namin.

"Sige, ingat ka." Jhoann & Faye.

Nagtungo na ako papunta sa hospital kung saan ako nagpapa-check up. My doctor contacted me at ang sabi niya, lumabas na daw ang result na hinihintay ko that's why I have to go there.

Actually, ako lang ang nakakaalam tungkol dito. Even my family and close friends doesn't know about this. Hindi ko sinasabi sa kanila because I don't want them to worry.

"Good afternoon, doc."

"Ms. Park, mabuti nandito ka na. Have a seat."

Naupo ako sa isang swivel chair na nasa harap ng table niya.

"So, about the result... How was it?"



YOHANN's POV

"Tapatin mo nga ako. Where did you get that? Ano ba talagang nangyari sa 'yo? Huh?" mommy

"It's not that serious. You don't have to worry."

"What?? Yohann, are you out of your mind? Galing 'yan sa daplis ng bala. You even passed out nang dahil sa dugong nawala sa 'yo and you're telling me that it's not that serious? What's wrong with you??"

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon