Chapter 12: Untitled

3K 56 1
                                    

CASSANDRA's POV

"*Sigh* Ano ba naman 'yan? Ine-expect ko wala tayong klase ngayon kasi naman, haleeeeerr?? Valentine's day ngayon, right? And usually naman wala talaga tayong pasok sa ganitong occasion." sambit ni Faye

"Ewan ko ba? Juskoo, tinatamad akong um-attend ng klase today." sambit ni Jhoann

Nandito kaming tatlo sa cafeteria at kanina pa silang dalawa nagra-rant ng dahil lang sa may pasok ngayon.

"Ano bang meron sa inyong dalawa? Hindi naman big deal na magkaro'n tayo ng klase ngayon. At saka, helloo?? Saturday na bukas, walang pasok. Kaya ano pang pinagmamaktol niyo? Pwede namang bukas tayo mag-hang out."

"Eh, kasi naman... Mahalaga ang date na 'to para sa 'kin. May date kasi ak--- uh.. Nevermind." Faye

I raised my left eyebrow at her.

"Don't tell me, hindi tayong tatlo makakapag-hang out tomorrow?"

"Ah... Eh, m-mukhang gano'n na nga, hehehe." Faye

"Bakit naman?"

"Ganito kasi 'yan, may... Date ako."

dO_ob

"Date??"

She nodded.

"Sino namang ka-date mo? Bukod sa wala kang boyfriend, wala ka rin namang nake-kwentong lalaki sa 'min."

"Hindi ka naman siguro magagalit kung sabihin kong si---"

"Ako."

Napatingin kami sa may likuran ko ng marinig ang boses ni Ian.

Magkasama silang dalawa ni Liam.

"Anong ikaw?" kunot noong tanong ko.

Naupo silang dalawa ni Liam sa bakanteng upuan.

"Ayos lang ba na hiramin ko muna ang oras niya sa inyo para bukas?" Ian

"Bakit? Boyfriend ka ba niya?"
sambit ko at ininom ang juice na nasa harapan ko.

"Grabe ka naman, Cassandra. Bawal ba kapag suitor palang?"

do_ob

*Pfft--*

Wt?!

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko ng marinig 'yon.

"So, kailangan ko na pala agad maging girlfriend si Jhoann kung gano'n." sambit ni Liam

"Hoy, tumigil ka nga!" Jhoann

dO_ob

"Pati ikaw??" tanong ko pa sa kan'ya.

He nodded.

"A-Ano? Akala ko ba happy friends lang kayo dito? Ano'ng pinaggagagawa niyo sa buhay niyo?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Kaya pala gano'n nalang mag-reklamo ang dalawang 'to kanina nang malaman na may klase ngayon.

"Akala mo lang 'yon." sagot ni Faye at bahagyang tumawa.

"Tsh, kailan pa?"

"Actually, nag-start 'yon 3 days since nakilala natin sila." Jhoann

"Gano'n kadali?"

She nodded.

"About naman sa 'min, a week ago lang." Faye

Napabuntong hininga nalang ako at bahagyang napailing.

"Ito naman, parang hindi nililigawan ni Yohann, oh." Jhoann

"Shut up, Jho. I told you, pinagt-tripan lang ako ng lalaking 'yon."

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now