Chapter 15: Sleeping Together

3.6K 56 4
                                    

CASSANDRA's POV

"Yohann." Tawag ko sa kan'ya.

Kaming dalawa nalang ang naiwan dito kung saan kami nagb-bonfire kanina. Bumalik muna sila Faye sa cottage namin, hanggang doon ay nagaasaran pa rin sila. Nakakatuwa dahil sanay na rin silang kasama nila si Red, except lang dito kay Yohann.

"Yohann." muling tawag ko dahil parang hindi niya ako narinig kanina.

"Yes, babe?" mapangasar siyang ngumiti sa 'kin.

"Tsh! Babe my foot."

"Joke lang, ano bang sasabihin mo?"

"A-Ano kasi...."

Nagdadalawang isip pa ako kung magtatanong ba ako about sa necklace niya.

"Anong ano kasi?"

"Ah, kasi..."

Naghihintay lang siya ng sasabihin ko.

"A-About sa necklace mo. I just.. Wanna ask kung matagal na ba sa 'yo 'yan?" naiilang na tanong ko.

Hyst! Kung papakinggan iyong tanong ko, napaka-useless ng dating. Hindi ko alam kung ano bang mas maayos na i-tanong about doon.

"Ito? Why did you asked all of a sudden?"

"Ahm... Wala naman. Nagandahan lang kasi ako."

He chuckled.

"Iyon lang ba? Akala ko naman kung ano, nauutal ka pa kanina."

"Pero ito, last na. Sagutin mo ng maayos, ah."

"Ang alin? Ikaw na ba ang manliligaw sa 'kin ngayon?" pagbibiro niya dahilan para hampasin ko ang braso niya pero tinawanan lang niya ako.

"Hoy, AG! Seryoso ako, ah."

"Hindi ka naman mabiro, oh."

"Psh, puro ka biro."

"Ano ba kasi iyon?" He asked.

"Ano... Umaattend din ba ang parents mo sa mga business gatherings? Like... Iyong kailangan buong pamilya kayong umattend?"

"Business gatherings here in the Philippines? Oo, five months ago, I guess? Pero hindi maganda iyong nangyari."

"Bakit naman?"

"Bukod sa boring doon, may hindi rin ako inaasahan na mangyari noong gabing iyon. I saw someone na matagal na akong iniiwasan sa hindi ko malamang dahilan. Importante siya sa 'kin, pero hindi ko inaasahang doon na tuluyang mapuputol ang koneksyon namin sa isa't isa."

"Hinabol ko pa siya that time to the point na may tao akong nabangga at hindi ko napakitunguhan ng maayos, *Chuckled*. I tried everything that I can do just for that person to talk to me again... pero mas pinili niya pa ring iwan ako at 'wag ipaalam sa 'kin ang dahilan niya kung bakit niya nagagawa sa 'kin ang bagay na iyon."

He take a deep sigh.

Nakita kong tumulo ang luha niya pero agad siyang tumalikod sa 'kin at agad rin iyong pinunasan bago muling bumaling sa 'kin.

"A-Ayos ka lang ba? I'm sorry."

"Bakit naman magiging hindi? You don't have to be sorry." He forced a smile.

Hindi ko man kilala kung sino ang taong iyon, nararamdaman ko na talagang mahalaga siya para kay Yohann dahil kitang kita ko sa mga mata niya kanina habang nagke-kwento na nasasaktan pa rin siya.

Ang tanga ko talaga! Bakit ba kasi hindi ka na lang nagtanong ng deretso kung siya ba iyong natapunan mo ng wine that night, Sandra?!

"Hyst! Ang awkward ng atmosphere. Bakit ba kasi napunta doon iyong usapan? Why did you asked about it all of a sudden?"

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now