Chapter 22: Untitled

2.4K 34 1
                                    

IAN's POV

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Talagang pinlano nila ang lahat." sambit ni Charles at inilagay ang isang cold compress sa ulo niya.

Katatapos lang ng laban namin sa grupo nila Brandon at nandito na kami ngayon sa headquarters habang ginagamot ang mga sugat at pasa namin.

"Kaya noong una pa lang hindi na talaga ako nagtaka ng magpatawag ng battle ang namamahala, eh." Art

Inihagis niya kay Russ ang isa pang first aid kit na hawak niya na agad naman nitong nasalo.

"Talagang sinusubukan nila tayo. Gusto nilang patunayan na hindi na tayo dapat manguna sa rank but in the end? Talo pa rin sila." Russ

"Hindi nga nagkamali si Charles, after defeating Brandon's group, may bigla na lang sumugod na mga tauhan ng iba't ibang grupo." sambit ko habang nilalagyan ko ng bandage ang kamay ko na nahiwa ng dagger kanina.

"Aish, mga gag* sila! Kahit na nanalo tayo sa battle, medyo napuruhan pa rin tayo sa dami nila laban sa 'ting pito. Hyst, ang sakit ng mukha ko." sambit ni Richie habang nilalagyan ng gamot ang pasa at sugat niya sa mukha.

"Grupo lang natin ang pinagbawalan ng namamahala na magdala ng tauhan doon. Siguro naman enough na iyon para patunayan sa kanila na hindi tayo basta basta lang." Liam

Nga pala, mga kaibigan din namin sila Richie, Russ, at Art. Doon sila nag-aaral sa dati naming university nila Yohann. Pumupunta lang sila dito kapag may battle o mahalagang bagay na kailangang gawin. 2nd year college na si Russ, while Richie, Art, and Charles is in 3rd year college. Kami ni Liam, we're supposed to be in 2nd year as well, but we stopped for 1 year dahil parehas kaming tinamad mag-aral. *Chuckled*  Yeah, si Yohann ang pinakabata sa 'ming lahat.

"Yohann, I've heard na bumalik na daw si Sheryll, alam mo na ba?" Art

"Yeah, and we're now in the same school." Yohann

"Talaga? Is that a coincidence? Nagkita na ba ulit kayo?" Russ

Umiling naman si Yohann.

"Then, what are you planning to do? Nasa iisang school na kayo ngayon, man. Wag mong sabihin na babalikan mo siya?" Richie

"Tinatanong pa ba 'yan, dre? Syempre babalikan niya." sarkastikong sambit ko.

"Aba! Gusto mo yatang masapak, bro?" Art

"Umayos ka, Yohann. Kung babalikan mo lang din siya ulit, 'wag mo nang asahan na magiging ganoon pa rin ang trato namin sa kan'ya gaya ng dati." Russ

"*Chuckled* Russ is right. We all know what happened in the past, at bilang mga kaibigan na kapatid mo na rin, concerned lang kami sa 'yo--- Teka, ayos ka lang ba?" Liam

Pare-parehas kaming napabaling kay Yohann.

Namumutla siya at halatang wala siya sa kondisyon. Malalim ang daplis ng bala sa braso niya pero mas pinili na lang niya na siya ang gumamot noon.

"Sinabi ko naman kasi sa 'yo pumunta na tayo ng ospital, eh." Charles

"Tsh, hindi na. I'm fine, daplis lang naman 'to."

"Anong daplis lang? Ang lalim ng sugat mo." sambit ko.

"Basta, ayokong pumunta sa ospital. Ayos lang ako. I just need to rest."

"And about Sheryll, papasok ako ng school bukas just to see her. Gusto ko lang siyang kamustahin."

"How about Syd and your stepmom? Eh, hindi ba hinahanap ka rin nila? For sure, sasabihin agad nila kila ate Kelly kapag nakita ka na nila sa school." Liam

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now