chapter 1: First meet

8.8K 133 2
                                    

YOHANN's POV

“Oh, pa'no ba 'yan? You lose. So, I guess gagawin niyo ang dare gaya ng napag-usapan?”

Darn it!

Bumaling ako kay Liam at sinenyasan siya na kausapin ang mga 'to.

Tumango naman siya sa 'kin.

“Ano bang napag-usapan ang sinasabi mo?” Liam

“Ano pa ba? Syempre ang tungkol sa mga babae. Here.” sagot niya at may ibinigay na isang small envelope kay Ian.

Kita ko pa ang bahagyang pagkunot ng noo niya bago bumaling sa 'kin at ibigay ang envelope.

May laman itong isang picture ng tatlong babae.

“Sino ang mga babaeng nasa picture? Don't tell me sila naman ang bago niyong pagti-tripan?” Ian

“Hindi kami kundi kayo. That's the dare. You have to make them fall inlove with you guys, and if that happens, saka niyo sila iwan. Simple as that. I heard isa dyan ang anak ng nagma-may ari sa Lyandra Academy, swerte niyo kung makuha niyo ang loob niya.”

“Don't forget na hindi kayo dapat mahulog sa kanila dahil kapag nangyari yun, matatalo na naman kayo for the second time at gaya ng napag-usapan, kapag natalo kayo, sa 'min na ang mga kotse at condo niyo.” dugtong pa niya saka bahagyang tumawa.

“That's bullshit! Alam mo na hindi namin ugali ang gumawa ng gano'ng klase ng bagay. Kung gusto niyo ng isang laro, then atleast be fair. Wag kayong isip bata.” inis na sambit ko.

“Woah, is that mean na umaatras na kayo? Nakakabigla ang mga pangyayari ngayon, ah. Noong una, natalo kayo sa karera dahilan para sa inyo mapunta ang dare at ngayon, ito naman? Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan pa namin makikitang maging duwag ang nag-iisang leader ng gang group na may pinaka-mataas na rango sa G.W (Gangster World).”

I clenched my fist and gave him a death glare.

“Watch your words, bastard! Hindi ko sinabing aatras kami. I just want the game to be fair.”

“Hindi ba't under bankruptcy ang company na mina-manage ng parents mo ngayon?” sagot niya na lalo kong ikinatingin sa kan'ya.

“Ano namang pakialam mo dun?”

“Kapag nagawa mong paibigin ang nagiisang anak ng nagma-may ari sa L.A, malaki ang chance na mapabilis ang pag-salba sa company niyo at hindi lang 'yon, dahil mas magiging maganda pa ang takbo nito kesa noon. Who knows? Kaya pagisipan mong mabuti, Yohann. Gagawin mo ang dare? o hahayaan mong mawala ng tuluyan ang mga ari-arian ng pamilya niyo at mag-hirap kayo?”

I clenched my fist.

“Sinasabi mo ba na walang kakayahan ang parents ko na masalba ang sarili nilang kompanya? Huh!? 'yon ba ang gusto mong palabasin!?” akma ko na sana siyang lalapitan pero pinigilan ako nila Ian.

“Relax, hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang naman na makatulong, masama bang mag-magandang loob?”

“Ha! Mag-magandang loob. Naririnig mo ba ang sinasabi mong gag* ka!? Kahit kailan, hindi ko kakailanganin ang tulong mo! At ang dare na 'yon--”

“Ah, ang dare. I'm sorry pero hindi na 'yon pwedeng mabago. Kami ang nanalo sa karera kanina, kaya kami pa rin ang masusunod. At kung ayaw mo naman, edi Ibigay n'yo na lang sa'min ang lahat ng mga kotse at condo niyo. Madali naman akong kausap, eh.”

“Oh, before I forgot, alam mo na may kakayahan akong isiwalat ang true identity n'yo sa buong G.W, right? Kaya kung ako sa'yo, gawin mo nalang ang dare.” dugtong pa n'ya.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora