Chapter 13: Hang-out (part I)

3.1K 48 0
                                    

CASSANDRA's POV

"We're here!!" sambit nila Faye at Jhoann ng tumigil na ang van na sinasakyan namin.

Nagsimula na silang bumaba para kunin ang mga luggage sa likod.

Inalis ko na muna ang suot kong earphones at bumaba na rin.

"Labas palang ang ganda na. How about naman kaya sa loob?" dinig kong sambit ni Faye

"Syempre mas maganda 'yan. Halleerrr! Perfect spot kaya ang resort na 'to." Jhoann

Yup! Nasa isang resort kami. Actually, hiking nalang sana ang gagawin namin, pero dahil biglaan ang plano, mas pinili nalang nila na mag-outing kami. Matapos naming mag-plano kahapon ay agad na rin kaming nagpa-book dito.

"Need help?" tanong ni Yohann matapos kong ibaba ng maleta ko mula sa likod ng van.

"Hindi na."

"I don't think so. Mukhang mabigat 'yan?"

"Eh, alam mo naman pala, eh. Bakit nagtatanong ka pa kung kailangan ko ng tulong!?"

"Ayan ka na naman sa pagiging masungit masungit mo, eh. Ano bang malay ko kung gusto mong tulungan kita o hindi?"

"Aish! This annoying guy." I rolled my eyes at him.

"Whatever, ms. Grumpy. Akin na nga 'yan." walang ano-ano'y kinuha niya ang maleta ko.

"Pasok na tayo sa loob?" Ian

"Sige, una na kayo. Tatawagan ko lang muna sa Red."

"Tsh, bakit mo pa tatawagan ang lalaking 'yon? Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya. Let's go." matapos niyang sambitin 'yon ay hinawakan niya ang wrist ko at hinila na ako para pumasok sa loob habang ang isang kamay niya ay hawak ang maleta ko.

"Hoy! Bitiwan mo nga ako. Bakit mo ba ako hinihila?!"

Maya-maya pa ay binitiwan na niya ako.

Tumigil siya sa paglalakad at bumaling sa 'kin.

"May gusto ka ba sa kan'ya?"

do_ob

"What?"

"You're treating him really well compared on how you treat me."

"Pwede ba? Wala lang 'yon."
Mauuna na sana akong maglakad ng pigilan niya ako dahilan para muli akong mapabaling sa kan'ya.

"Imposibleng wala lang 'yon."

"*Sigh* Okay, fine. Alam mo kung bakit iba ang pagtrato ko sa 'yo? It's because I know that you're just playing with me."

"What?"

"You're just courting me not because you wanted to, but because... You just want to play with my feelings. Right?"

"What the heck are you talking about, Cassandra? Ilang beses ko pa bang sasabihin sa 'yo na seryoso ako sa ginagawa ko? Hindi kita pinagt-tripan."

"And how can you say so?"

"Kasi gusto kita."

Na-speechless ako sa sagot niya.

Hindi ito ang unang beses na sinabi niya sa'kin 'to pero... Iba ang feeling ko ngayon, eh.

I can really feel... The butterflies in my stomach.

"Hindi pa ba sapat ang salitang 'yon para maniwala ka? Gusto mo bang..."

Humakbang siya papalapit sa 'kin dahilan para mapaatras ako habang nakatingin sa kan'ya.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now