Chapter 27: Untitled

2.4K 43 2
                                    

KELLY's POV

Gosh! Hindi ako makatulog.

Bumangon na lang ako at muling binuksan ang ilaw ng kotse dito sa loob.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 8 pm pa lang? Arghh! Bakit ang bagal ng oras ngayon? ㅠㅠ

Mas lalo ko lang naramdaman ang gutom ko. Gusto kong umalis para maghanap ng restaurant pero natatakot ako sa sobrang dilim ng lugar na 'to. Mukha rin naman kasing walang available na nagde-deliver ng food dito.

*Knock Knock*

"Ay, kabayo!" gulat na sambit ko nang may kumatok sa bintana ng kotse.

Gosh! Hindi ko naman makita kung sino ang kumatok dahil nga madilim.

Binaba ko ng konti ang bintana.

"Ako 'to." dinig kong boses ni Nathan.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung sino na, eh. Tuluyan ko nang binuksan ang bintana.

"Ano ba iyon? Huh? Nakakagulat ka. Basta ka na lang kumakatok dyan!"

"Tsh, sungit. Ano ba dapat ang gawin ko? Kalampagin 'tong kotse mo?"

Lalo lang napasimangot ang mukha ko nang sarkastiko niya akong sagutin.

"Oh," pinasok niya sa bintana ang kamay niyang may hawak na paper bag.

"What's that?"

"Paper bag, obviously." pabalang na naman niyang sagot.

"Iniinis mo lang ba 'ko? Huh? Umalis ka na nga!" bahagya kong tinulak palabas ang paper bag na hawak niya pero muli lang niya itong inabot sa 'kin.

"Pagkain ang laman niyan. Just accept it. Hindi ka pa kumakain, right?"

dO_ob

"Who cares? Alisin mo nga 'yan sa harap ko. Stop acting like my boyfriend."

"Tsh, I am not acting like your boyfriend. Just accept this. Napansin ko lang kasi na hindi ka pa kumakain since earlier dahil sa kakasunod kay Mr. Zellerio. Mamaya mahimatay ka pa dyan sa gutom, eh 'di ako pa ang magdadala sa 'yo sa napakalayong hospital dito? Tsk."

"Eh, 'di pabayaan mo ako. It's not your problem--"

*Crawls*

Wtf--

"See? Tanggapin mo na kasi 'to or else... Itatapon ko na lang 'to."

"E-eh 'di itapon mo! Mamaya may lason pa 'yan, eh. Tsk!"

"Excuse me? Bakit naman kita lalasunin? Mukha ba akong mamamatay tao?"

"Oo, parang ganoon na nga. Magkakompetensya na tayo since then. Hindi malabong gawan mo ako ng masama." I rolled my eyes at him.

"*Sigh* Whatever. Ayaw mo ba talagang tanggapin 'to? Should I just throw it in the trash?"

"Aba, malay ko sa 'yo. Ikaw ang bumili niyan, eh. Itapon mo kung gust---"

*Crawls*

"Aish! Puny*ta, akin na nga!" inis na sambit ko at kinuha yung paper bag sa kan'ya.

Kainis! Ayaw na talagang makisama ng tyan ko. ㅠㅠ

"Tatanggapin mo rin pala, eh."

Napatingin ako sa kan'ya.

"Hoy! Hindi porke't tinanggap ko 'to, ibig sabihin hindi na ako magsusungit sa 'yo. How much is this? I'll pay. Ayoko namang magkaro'n ng utang na loob sa 'yo, 'no?"

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon