"Of course! Tsaka wala pa ngang nanliligaw eh." Ngumuso siya at natawa ng mahina.

"Promise you won't leave me alone?"

"Promise..." She raised her right hand and draw a cross on her chest.

"Just what like mama and papa did?" Her smile slowly faded.

"Hindi ka naman nila iniwan. Lagi ka nilang binabantayan. Teka tama na nga, ang drama mo! Naluluha nako, kala ko ba happy lang tayo ngayon?" I smiled at her as we continued eating our ice creams.

......

"Oh sure kang dito ka lang? Di ka uuwi ng bahay? Himala ah."

"Opo tita. Nakakabagot din kaya mag-isa sa bahay."

"Baka naman may kikitain ka? Kilala kita, di ka naman mahilig lumabas mag-isa ah."

"Bibili lang ako ng snacks para naman may stock sa bahay. Sige na tita, baka malate ka pa eh."

"Sige sige. Ingat ka ah... picturan mo yung plate number ng sasakyan mo pauwi. Bye!" Napangiwi ako sa sinabi niya. Pinanood ko siyang lumabas ng mall bago ako pumunta sa dapat na puntahan ko.

Kunot ang noong nakatitig ako sa mga iba't-ibang kulay, haba at ayos ng mga nakadisplay sa harap ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa shop na ito wala akong ideya kung alin dito ang babagay at magugustuhan niya.

"Yung blue na lang--"

"Ay blue na lang!" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan dahil sa biglang boses na narinig ko. Sa pagkakaalam ko wala akong kasama kanina ah.

"Pffft..." Napalingon sa taong dahilan ng pagkagulat ko. Nagpipigil siya ng tawa.

"Itawa mo yan Harrison baka mautot ka." I rolled my eyes. At ang walang hiya tumawa nga.

"Hahahaha sorry sorry. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" He tried to looked serious pero ngumingiti pa rin siya.

"Buying snacks." Tumalikod ako nagpatuloy sa pamimili.

"Nakakain ba ang wigs? Edible ba to?"

"Kaya nga. Ba't ka pa nagtanong? Tsaka bakit ka ba nandito?" I faced him. Sinusundan ba ako nito?

"Baka may nakakalimutan ka." My forehead creased.

"Wala naman. Yung mga tulad ko mahirap makalimot."

"Really? Eh yung pinag-usapan ng section natin?" My eyes widened. Oo nga pala.

"May sinabi ba akong sasama ako? Tsaka andito ka din naman ah." Andito rin kaya sila? Nakita ba nila ako?

"Narinig kong sasama ka, kala ko ba mahirap kang makalimot? Papunta na rin ako dun. Kakatapos lang namin nila coach kumain sa isang resto kasama ang buong team."

"Kasama ang buong team? So kasama mo sila Kirby?" Halos lahat sa room ay kasali sa basketball maliban doon sa kasama sa banda. Sinilip ko ang likod niya at wala naman sila.

"Pinauna ko na sila sa bahay ni Hope. Malapit lang naman kasi yun dito. Alam mo ba kung bakit ako nagpaiwan?"

"Ewan ko." I answered while touching the curly hair. Gusto niya kaya ng kulot?

"Dahil sa'yo. Nakita kitang papunta dito. Mahilig ka pala sa wig? Teka wig din ba'to?" Ginulo niya ang buhok ko. "Ay totoo pala." Sinamaan ko siya ng tingin habang inaayos ko ang buhok ko.

Unforgettable MistakeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum