Chapter 33: Arguement

Start from the beginning
                                    

YOHANN's POV

"Good afternoon po." bati ng mga employees na nakakasalubong namin ni dad habang naglalakad papasok sa loob ng company.

"Uy, tingnan mo."
"Siya na ba iyong bunsong kapatid ni Ms. Kelly?"
"Oh my God, ang gwapo niya!"
"Halatang hindi mapapasayo. *Chuckles*"

Dinig ko pang mga bulungan nila.

Halos lahat ng nakakasalubong naming employees at nakakakita sa 'min naririnig kong pinagbubulungan ako. Iyon pa naman ang ayoko. Tsk!

"Bakit kaya siya kasama ni Mr. President dito?"

"Tingin mo? Siya na kaya ang magiging successor?"
"Gosh, gaganahan ako lalong magtrabaho kapag nangyari iyon."

Tsh, mukhang hindi iyon mangyayari.

Parehas kaming tumigil sa paglalakad  ni dad nang makarating kami sa tapat ng isang office dito.

"Get inside. Dito ka muna mag-stay for a while. I just need to go sa conference room to talk with my secretary. Wait me here." sambit niya bago umalis.

Ano ba talagang plano niyang ipagawa sa 'kin dito?

"Ang gwapo niya talagaaa!"

I was about to open this office door pero napatigil ako nang marinig ang bulungan ng dalawang babae sa reception desk.

"For me mas gwapo siya kesa sa kuya Syd niya."

"Ngayon ko lang siya nakitang magpunta dito. Si sir Syd kasi ilang beses nang sinama ni Mr. President dito sa company. Bakit kaya?"

Nanggaling na ng ilang beses si Syd dito?

Bumaling ako sa kanilang dalawa at lumakad papalapit.

"Oh my God, papalapit siya dito."
"Umayos ka."

Parehas silang umayos ng tayo at ngumiti sa 'kin.

"Ah-- *cleared throat* G-good afternoon po, sir Yohann!" Employee 1

Parehas silang nagbow sa 'kin.

"May... Maitutulong po ba kami sa inyo?" Employee 2

"I heard what you've said earlier."

Gulat na nagkatingin silang dalawa at napatakip ng bibig.

"Ah--s-sorry po. Hindi po namin sinasadya." Employee 1

"Pasensya na po talaga. Wag niyo po sana kaming isusumbong sa dad niyo." Employee 2

Muli na naman silang nag-bow sa 'kin at walang tigil na humihingi ng sorry.

Bakit ba parang takot na takot sila? Masyado bang mahigpit si dad sa mga employees dito?

"Stop it. Don't do that, I just wanna ask something."

"A-Ano po iyon?" tanong nila.

"Narinig ko kasi kanina, ilang beses na palang nanggaling dito si Syd?"

"Ah, opo. Hindi lang po yata namin siya limang beses nakita dito. Madalas po kasi ditong isinasama ni Mr. President ang kuya niyo at kung minsan... Tumutulong rin po siya sa paggawa ng mga paper works dito." Employee 1

"And ang office po na iyon," turo niya sa papasukan ko sanang office kanina.

"Dyan po madalas mag-stay ang kuya Syd niyo kapag nandito siya."

Napatango na lang ako.

"Uhm... Kung sakaling may kailanganin po kayo, pwede niyo po kaming tawagin dito." Employee 2

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now